Obispo, Inaming bumaba ang pumapasok sa Pagbobokasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 439 total reads

Nawa ay magsimula sa Pamilya ang pagmumulat sa paglilingkod sa Panginoon at pagsuporta sa tawag ng Banal Bokasyon.

Ito ang mensahe ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara sa pagdiriwang ng kapistahan ni Santa Ana ang asawa ni San Joaquin na magulang ng Mahal na Birheng Maria sa misang isinagawa sa Archdiocesan Shrine of St. Anne, Taguig City.

Sa kaniyang Homiliya, sinabi ng Obispo na magandang balikan ang mag-asawang Santo na may malaking bahagi sa katuparan ng Misyon ni Maria- bilang ina ng ating Panginoon.

“Isang magandang tingnan na maaring solusyon para dumami ang Banal na Bokasyon ay ang Pamilya,” ayon kay Bishop Vergara.

Inaamin ng Obispo na sa kasalukuyan ay bumababa ang bilang ng mga pumapasok sa Bokasyon sa iba’t kadahilanan tulad ng Secularismo lalu na ang hindi pagmumulat sa mga anak ng kahalagahan ng paglilingkod sa Simbahan at hindi pagsuporta sa mga kabataan sa tawag ng banal na Bokasyon.

Minsan kapag nagtatanong ka sa ibang magulang, ano pa ang nakikita mong guhit ng palad ng iyong anak? Kalimitan ang iba hindi iisipin yung pagpapari o pagmamadre. Tatangkilikin, itataguyod ang mga anak, pag-aaralin ng iba’t ibang Propesyon. Doctor, Accountant, Inhinyero…pero hindi iisipin na maaring sa isang personal na paanyaya ng Diyos… suportahan ang desisyon ng anak na Magpari o Magmadre,“ dagdag pa ni Bishop Vergara.

Ayon sa Obispo, ang kapalaran para sa pagtugon sa Banal na Bokasyon ay maaring masaksihan sa mga magulang bilang mga halimbawa ng pananalangin at paglilingkod na magiging Inspirasyon ng kanilang anak tungo sa paglilingkod.

Si Bishop Vergara ay kabilang sa ‘Late Vocation’ na nagtapos ng Management Engineering sa Ateneo de Manila University at nagtrabaho sa Estados Unidos subalit nakatanggap ng paanyaya sa paglilingkod sa Diyos bilang isang pari.

Ayon sa Obispo, ang kaniyang mga magulang ay kapwa aktibo sa loob ng Simbahan bilang Legionary at Lay Minister na siyang nagmulat sa kaniya sa kahalagahan ng paglilingkod.

Sa kasalukuyan ay may higit sa 10,000 ang bilang ng mga Pari sa buong Pilipinas habang may 18,000 mga Consecrated Persons na nangangasiwa sa 86 na milyong Katoliko sa Bansa.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 2,599 total reads

 2,599 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,543 total reads

 4,543 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 12,850 total reads

 12,850 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 50,228 total reads

 50,228 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 81,499 total reads

 81,499 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 158,214 total reads

 158,214 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 251,838 total reads

 251,838 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 4,544 total reads

 4,544 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top