Pangulong Duterte, Human rights Violator

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 530 total reads

Hindi wasto ang pamamaraan na ginagamit ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkamit ng kapayapaan sa Bansa.

Ito ang iginiit ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes kaugnay sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng Pamahalaan at Simbahan.

Naninindigan ang Obispo na mariing tinututulan ng Simbahang Katolika ang mga paglabag at pang-aabuso sa karapatang pantao sa mamamayan sa Bansa.

“The Church does not approve of what President Duterte has made especially Violation of Human rights because his method of giving peace to the Country is to kill people and this is a very wrong method, this is Immoral method, especially just suspecting that he is a Drug addict.” pahayag ni Bishop Bastes sa Radio Veritas.

Bagamat nakikiisa ang Simbahan sa programa ng pamahalaan tulad ng paglaban sa iligal na droga, kriminalidad at korapsyon dapat pairalin pa rin ang paggalang sa bawat isa lalo na sa buhay ng tao.

Sa pagtaya ng iba’t ibang Human Rights groups 23-libo na ang biktima ng Extra Judicial Killings sa bansa mula Hulyo 2016 hanggang sa kasalukuyan kung saan karamihan ay pawang nagmula sa mahihirap na Sektor ng lipunan.

Sinasabi naman ng Philippine National Police na mahigit lamang sa 4 na libo ang nasawi sa Anti-drug operations dahil sa panlalaban.

Tiniyak naman ni Bishop Bastes, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Mission na patuloy itaguyod ng Simbahang Katolika ang karapatang pantao ng mamamayan.

“The Church always uphold Human rights and because of that we can never follow the Principle of killing people to Achieve peace in the Country.” dagdag ng Obispo.

Nauna nang nagpahayag ng pakikiisa ang Simbahan sa malawakang Kampanya kontra iligal na droga sa bansa sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga Programang Pangrehabilitasyon sa mga sumukong sangkot sa iligal na droga.

Sa Diyosesis ng Kalookan pinaiigting pa ang SALUBONG program katuwang ang lokal na Pamahalaan kung saan daan-daan na ang recoveries na nagtapos sa 6 na buwang Rehabilitasyon at patuloy na kinakalinga upang magabayan sa tuloy-tuloy na pagbabago.

Ika – 15 ng Hulyo nang pinasinayahan naman ang ‘Sanlakbay Recovery and Restoration Center’ sa Sta. Cruz Manila na layong ipagpatuloy ang pagbibigay formation sa mga nagtapos sa 6 na buwang Rehabilitasyon ng Sanlakbay ng Archdiocese ng Manila.

Maging ang Kaniyang Kabanalang Francisco ay kinilala ang pagtugon ng Simbahan sa mga sumukong drug suspek bilang bahagi ng Misyon ng Simbahan ang pagkalinga sa mga naligaw ang landas tungo sa pagbabalik loob sa pamayanan at sa Panginoon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 38,275 total reads

 38,275 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 264,566 total reads

 264,566 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 158,031 total reads

 158,031 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 252,062 total reads

 252,062 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 294,484 total reads

 294,484 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top