Obispo, Inaming bumaba ang pumapasok sa Pagbobokasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 482 total reads

Nawa ay magsimula sa Pamilya ang pagmumulat sa paglilingkod sa Panginoon at pagsuporta sa tawag ng Banal Bokasyon.

Ito ang mensahe ni Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara sa pagdiriwang ng kapistahan ni Santa Ana ang asawa ni San Joaquin na magulang ng Mahal na Birheng Maria sa misang isinagawa sa Archdiocesan Shrine of St. Anne, Taguig City.

Sa kaniyang Homiliya, sinabi ng Obispo na magandang balikan ang mag-asawang Santo na may malaking bahagi sa katuparan ng Misyon ni Maria- bilang ina ng ating Panginoon.

“Isang magandang tingnan na maaring solusyon para dumami ang Banal na Bokasyon ay ang Pamilya,” ayon kay Bishop Vergara.

Inaamin ng Obispo na sa kasalukuyan ay bumababa ang bilang ng mga pumapasok sa Bokasyon sa iba’t kadahilanan tulad ng Secularismo lalu na ang hindi pagmumulat sa mga anak ng kahalagahan ng paglilingkod sa Simbahan at hindi pagsuporta sa mga kabataan sa tawag ng banal na Bokasyon.

“Minsan kapag nagtatanong ka sa ibang magulang, ano pa ang nakikita mong guhit ng palad ng iyong anak? Kalimitan ang iba hindi iisipin yung pagpapari o pagmamadre. Tatangkilikin, itataguyod ang mga anak, pag-aaralin ng iba’t ibang Propesyon. Doctor, Accountant, Inhinyero…pero hindi iisipin na maaring sa isang personal na paanyaya ng Diyos… suportahan ang desisyon ng anak na Magpari o Magmadre,“ dagdag pa ni Bishop Vergara.

Ayon sa Obispo, ang kapalaran para sa pagtugon sa Banal na Bokasyon ay maaring masaksihan sa mga magulang bilang mga halimbawa ng pananalangin at paglilingkod na magiging Inspirasyon ng kanilang anak tungo sa paglilingkod.

Si Bishop Vergara ay kabilang sa ‘Late Vocation’ na nagtapos ng Management Engineering sa Ateneo de Manila University at nagtrabaho sa Estados Unidos subalit nakatanggap ng paanyaya sa paglilingkod sa Diyos bilang isang pari.

Ayon sa Obispo, ang kaniyang mga magulang ay kapwa aktibo sa loob ng Simbahan bilang Legionary at Lay Minister na siyang nagmulat sa kaniya sa kahalagahan ng paglilingkod.

Sa kasalukuyan ay may higit sa 10,000 ang bilang ng mga Pari sa buong Pilipinas habang may 18,000 mga Consecrated Persons na nangangasiwa sa 86 na milyong Katoliko sa Bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 38,285 total reads

 38,285 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 264,576 total reads

 264,576 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 158,041 total reads

 158,041 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 252,072 total reads

 252,072 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 294,494 total reads

 294,494 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top