Pagkakaroon ng puso na may kaluguran at kagalakan na nakatalaga sa dakilang gampanin na ipahayag ang mensahe.
Ito ang mensahe ni Davao Archbishop Romulo Valles-Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga kinatawan ng Social Communications ministry ng Simbahan sa ginaganap na 4th National Catholic Media Convention sa Davao City.
“Catholic media people should have hearts filled with delight and joy, Hearts mindful of the great responsibility to articulate the mystery of every situation, and heart with confidence and hope that so and daughters of God amidst difficulties goodness and the love of God triumph,” Bahagi ng Homiliya ni Archbishop Valles sa pagbubukas ng media convention.
Umaasa ang Arsobispo na ang bawat isa ay magkaroon ng kumpiyansa upang manaig ang pagtatagumpay, kabutihan at pag-ibig na mensahe Panginoon sa bawat isa.
Umaabot sa 150 ang mga nagsidalo sa convention kabilang na dito ang may limampung mga Pari na in-charge sa social communication ministry ng kani-kanilang mga Diyosesis.
Disyembre 1963 naging bahagi ng Second Vatican Council ang Inter Mirifica o Decree on Social Communication na tumatalakay sa tamang paggamit ng social media para sa common good.
Bahagi rin nito ang pagbuo ng media Ministry ng Simbahan para mapag-ibayo ang mga gawain ng simbahan at pagpapahayag ng Mabuting Balita.






