Pakinggan ang tinig ng Panginoon mula sa puso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 592 total reads

Ito ang paalala ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananamampalataya sa ikatlong araw ng misa para sa nobenaryo ng kapistahan ni San Roque, sa San Roque de Manila Parish, Sta. Cruz Manila.

Ayon kay Kardinal Tagle, upang matularan ang ginawang paglilingkod ni San Roque sa mga tao ay kinakailangang matutunan ng tao na makinig sa tinig ng Panginoon mula sa kanilang puso.

Sinabi ng Kardinal na kapag nagmula sa puso ang pakikinig ng isang tao ay dito rin magmumula ang kanyang pagsunod at pagtugon sa mga loobin ng Diyos.

Paliwanag ni Kardinal Tagle, sa ganitong paraan ay nakikipagtipan ang tao sa Diyos at nagkakaroon ng mas malalim na relasyon ay Hesus.

“Ang kautusan ng Diyos hindi na N’ya isusulat sa papel na mababasa, hindi sa mga bato katulad nang binigay kay Moises, ang Kan’yang batas ilalagay na N’ya sa ating puso, upang doon sa ating kalooban, doon tayo makipagtipan sa Kan’ya. Mula sa puso doon natin mapapakinggan ang Kan’yang kagustuhan, at mula sa puso doon din tayo tutugon, aayon sa kalooban ng Diyos.” Pahayag ni Kardinal Tagle.

Ipinaalala ni Cardinal Tagle na mahalagang mabantayan ng tao ang kanyang puso upang matiyak na matutupad nito ang kan’yang tipan sa Panginoon.

Inihayag ng Kardinal na malimit na matukso ang puso ng tao kaya naman madalas nakalilimot sa pakikinig sa kan’yang puso kung saan nagsasalita ang Diyos.

Sinabi ni Cardinal Tagle na kung nakatatak na sa puso at kalooban ng bawat tao ang kanilang tipan sa Panginoon ay hindi ito magagapi ng anumang tukso o pang-aakit ng demonyo.

“Kapag nasa puso ang utos ng Diyos, kahit walang nakakakita, sa puso mo susunod tayo sa Diyos. Doon gusto ng Diyos na mapakinggan natin ang Kan’yang salita sa puso, at sa puso d’yan din tayo tutugon… Ang puso ba pinakikinggan ang Diyos? Kapag pinakikinggan ang Diyos, katipan natin si Hesus. Pero kapag ang puso hindi na ang Diyos ang pinakikinggan kundi ang sarili na lamang, ang tawag don, satanas.” Bahagi ng homiliya ng Kardinal.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Kardinal Tagle na mahalagang bantayan ng bawat tao ang kanilang puso gayundin ang puso ng kanilang kapwa dahil dito magmumula ang pakikipagtipan ng tao sa Diyos.

“Sa puso manggagaling ang ating pagbabago, ang ating pakikipagtipan sa Diyos, ang ating katapatan sa Kan’ya. Kaya alagaan po ang mga puso, at alagaan natin ang puso ng bawat isa, para ang puso natin ang pagmulan ng ating katapatan.” Dagdag pa ng Kardinal.

READ: Homily of Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle 3-day Nobenaryo para sa kapistahan ni San Roque sa San Roque De Manila Parish, Sta. Cruz, Manila

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 23,347 total reads

 23,347 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 250,628 total reads

 250,628 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 144,094 total reads

 144,094 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 238,125 total reads

 238,125 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 281,306 total reads

 281,306 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 34,065 total reads

 34,065 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 26,965 total reads

 26,965 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top