Dalawang mukha ng national ID system

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 788 total reads

Mga Kapanalig, nilagdaan ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo ang Republic Act No. 11055 na nagtatatag ng Philippine Identification System o PhilSys, isang National ID system para sa lahat ng Pilipino.

Layunin ng PhilSys na pabilisin ang pagbibigay serbisyo ng pamahalaan at supilin ang korapsyon dahil sa red tape. Sa ilalim ng sistemang ito, bawat Pilipino ay magkakaroon ng Philippine ID o Phil-ID na may natatanging number na maaaring gamitin sa iba’t ibang transaksyon. Kung ngayon ay iba’t ibang ID pa ang kailangang ipakita o isumite, sapat na raw ang pagpapakita ng Phil-ID upang patunayan ang ating pagkakailanlan o identity. Nakalagay sa Phil-ID ang ating pangalan, kasarian, kaarawan, tirahan, at blood type. Lalagyan din ito ng QR code na naglalaman ng ating fingerprint, larawan, at iris scan. Makikita rin sa ID ang ating marital status, cellphone number, at email address. Ang Philippine Statistics Authority o PSA ang ahensyang mangangasiwa sa PhilSys, na pagkakagastusan ng pamahalaan ng 2.1 bilyong piso. Para kay Bishop Ruperto Santos ng Balanga, malaki ang maitutulong ng PhilSys lalo na sa mga kababayan nating OFW na laging nabibiktima ng red tape.

May ilan namang may agam-agam sa PhilSys. Ayon sa Foundation for Media Alternatives, isang NGO na nagtataguyod ng karapatan sa privacy nating mga mamamayan, maaari raw mauwi sa malawakang surveillance o paniniktik ang PhilSys. Itinatala raw kasi ng sistema ang ating bawat transaksyong gagamitan ng Phil-ID. Ganito rin ang pangamba ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo. Hindi raw nawawala ang posibilidad na maabuso ang sistemang naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa atin.

Maliban sa paniniktik, nariyan din ang tanong sa seguridad ng mga impormasyong ibibigay natin sa pamahalaan. Matatandaang noong 2016, ilang linggo bago ang halalan, na-hack ang Database ng Commission on Elections o Comelec, at nailabas sa internet ang impormasyon ng 70 milyong botante. Bagamat hindi nanakaw ang mga biometrics o fingerprints, maaaring nagamit ang identidad ng mga botante sa mga mali at ilegal na gawain. Paano kaya matitiyak na hindi ito mangyayari sa higit 100 milyong Pilipinong maisasama sa PhilSys?

Isa pang problemang kakaharapin sa pagpapatupad ng PhilSys ay ang pagsusumite ng birth certificate upang makakuha ng Phil-ID. Problema ito dahil milyun-milyong Pilipino ang walang Birth certificate. Ayon sa NGO na VIDES International, 2.6 milyong batang Pilipino ang hindi rehistrado at karamihan sa kanila ay nasa mga malalayong lugar gaya ng mga katutubo. Dahilan rin ng kawalan ng birth certificate ay ang late registration na pinapatawan pa ng multa, at ang gastos na kakailanganin ng mga nasa probinsya at malalayong lugar upang pumunta sa opisina ng PSA na siyang magbibigay ng birth certificate. Kung walang birth certificate, hindi agad nakapapasok sa paaralan o naaabutan ng mga serbisyo ng pamahalaan ang mga bata. Hindi kaya dapat paglaanan din ng pondo ng pamahalaan ang pagtiyak na may birth certificate ang lahat ng Pilipino at gawin itong libre, lalo na para sa mahihirap?

Kinikilala sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang papel ng pamahalaan sa pagtataguyod ng dignidad ng tao, sa pangangalaga sa ating mga karapatan, at sa pagsusulong ng kabutihang panlahat o common good. Ang mga ito sana ang pangunahing isinasaalang-alang sa pagpapatupad ng PhilSys. At magagawa ito sa pamamagitan ng pagtiyak na mapakikinabangan ito ng lahat ng Pilipino, kasabay ng pagkakaroon ng mahigpit na mekanismo upang pangalagaan ang mga personal nating impormasyon laban sa pagnanakaw o pang-aabuso.

Sa huli, mga Kapanalig, ang isyu ng National ID system ay tungkol sa pagkakaroon ng tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Kaya’t sa pagpapatupad ng batas na ito at sa pagpapatakbo ng PhilSys, mas malaking trabaho ng pamahalaan ang kunin ang ating tiwala sa sistemang may dalawang mukha: isang nagpapakita ng pakinabang at isang may dalang panganib.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 9,373 total reads

 9,373 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 237,752 total reads

 237,752 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 131,218 total reads

 131,218 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 225,247 total reads

 225,247 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 269,131 total reads

 269,131 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ang bigat ng betrayal of public trust

 9,374 total reads

 9,374 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 237,753 total reads

 237,753 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 131,219 total reads

 131,219 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 225,248 total reads

 225,248 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »
Scroll to Top