Caritas Philippines, hinimok ang gobyerno na madaliin ang paglikha ng Disaster Department.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 334 total views

Hinihimok ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines ang pamahalaan na bilisan ang paglikha ng Disaster Risk Reduction Department.

Ito ang hamon ng Caritas Philippines sa administrasyong Duterte matapos ang ika-39 na National Social Action General Assembly na dinaluhan ng may 61 mga Diocesan Social Action Centers at matinding hagupit ng ulan at baha sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Naniniwala si Father Edwin Gariguez, executive Secretary ng komisyon na mahalagang maging isa at mapalakas ang ahensya na namamahala sa paghahanda, at pagtugon sa mga kalamidad sa bansa tulad ng giyera sa Marawi, at pagputok ng bulkang Mayon.

Sinabi ng Pari na sa pamamagitan nito ay mas magiging matalino ang mamamayan sa kanilang dapat gawin sa oras ng sakuna, at mas magiging maagap din ang pagtugon ng pamahalaan.

“It is very urgent that we have a single government agency in-charge of disaster preparedness, mitigation and response to be able to provide consistent training, craft better policies and act on pressing DRR concern,” pahayag ni Father Gariguez sa Radio Veritas

Binigyang diin pa ng pari na ang naranasan ngayon na matinding pagbaha sa malaking bahagi ng Luzon ay nagtuturo din sa mga tao na kinakailangang maging mas disiplinado at mas mahigpit ang pagpapatupad ng pamahalaan sa mga batas tulad ng Solid Waste management at sa pagbabawal sa mga quarry sa kabundukan.

“The recent flooding in Metro Manila is also asking us to be more conscious in finding innovative solutions to solid waste management in urban settings. This also puts us in urgent position to campaign with the government and our communities for proper law enforcement, sustained cooperation and better appreciation of continuing DRR and climate change initiatives,” dagdag pa ng Pari.

Matatandaang noong kasagsagan ng malakas na ulan ay tone-toneladang masura ang napadpad sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Samantala, nabalot naman sa makapal na putik ang malaking bahagi ng Marikina matapos humupa ang baha dito na dulot ng walang tigil na pag-ulan noong sabado.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suriin ang panawagan ng protesta

 23,098 total views

 23,098 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 118,156 total views

 118,156 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 140,219 total views

 140,219 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 155,429 total views

 155,429 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 159,947 total views

 159,947 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 341,505 total views

 341,505 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top