Sakulin’ at healthy food items kabilang sa relief packs ng Caritas Damay Kapanalig sa mga biktima ng Habagat

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 787 total reads

Kasama sa mga ipinamahaging tulong ng Caritas Manila ang ‘Sakulin’na isang all purpose tarpaulin’ na maaring gamitin bilang higaan, partisyon at pansamantalang bubungan sa panahon ng paglikas tuwing tag-ulan.

Ayon kay Fr. Ric Valencia, priest in-charge ng Caritas Damayan, isa rin itong paraan ng Caritas na gamitin ang mga lumang tarpaulin bilang bagong gamit.

“Maraming purpose yan. Iyan po ang pinamimigay natin para hindi masayang ang mga ganyang material at magkaroon ng panibagong gamit. Even the old tarpaulins we convert them into bags para ma-exercise din natin ang pangangalaga sa kalikasan,” ayon kay Fr. Valencia.

Dagdag pa ng pari, kasama din sa mga relief packs ng Caritas ang mga ‘healthy food items’ bilang kapalit ng mga delata hindi lamang bilang pamatid gutom kundi para sa kabutihan ng kanilang kalusugan.

Bawat relief packs ng Caritas Manila ay nagkakahalaga ng P600-pesos.

Kabilang sa mga napadalhan ng tulong ang Marikina, San Mateo, Rodriguez, Baseco sa lungsod ng Manila, Malabon, Caloocan at Quezon City.

“Unti-unti nating pinapalitan yung mga ibang delata ng mga pagkain na healthy options. Mga pagkain na makakatulong hindi lang sa pagtawid ng gutom kundi pati na rin sa kanilang kalusugan. Kasi kung natin sila binigyan ng pagkain na hindi nakakatulong sa kalusugan para na rin natin silang hindi natulungan kundi lumala pa ang kanilang kalagayan,” ayon kay Fr. Valencia.

Sa ulat, higit sa isang milyon katao ang naapektuhan ng malakas na pag-ulan at pagbaha mula sa 713 barangay sa Region 1 at 2; Calabarzon, Cordillera Administrative Region at Metro Manila.

Tulong-tulong naman ang limang diyosesis sa Metro Manila sa relief at rescue operations sa mga biktima ng habagat sa pamamagitan na rin ng Social Services Development Ministry ng bawat parokya.

Kabilang dito ang mga arkidiyosesis ng Manila at mga diyosesis ng Antipolo, Cubao, Caloocan at Novaliches.

Patuloy pa rin ang panawagan ng Caritas Manila sa mga nais na magbigay ng tulong para sa iba pang mga biktima ng habagat lalu’t patuloy pa rin ang mga pag-ulan na nararanasan sa malaking bahagi ng Luzon.

Naunang nanawagan si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga parokya na buksan ang kanilang simbahan sa mga nangangailangan ng tulong na biktima ng matinding pagbaha.

Read more: Cardinal Tagle,pinabubuksan ang mga Simbahan sa mga binahang residente

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 125,421 total reads

 125,421 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 262,515 total reads

 262,515 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,291 total reads

 378,291 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 493,576 total reads

 493,576 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 374,750 total reads

 374,750 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 480,833 total reads

 480,833 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top