Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dalawang mukha ng national ID system

SHARE THE TRUTH

 297 total views

Mga Kapanalig, nilagdaan ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo ang Republic Act No. 11055 na nagtatatag ng Philippine Identification System o PhilSys, isang National ID system para sa lahat ng Pilipino.

Layunin ng PhilSys na pabilisin ang pagbibigay serbisyo ng pamahalaan at supilin ang korapsyon dahil sa red tape. Sa ilalim ng sistemang ito, bawat Pilipino ay magkakaroon ng Philippine ID o Phil-ID na may natatanging number na maaaring gamitin sa iba’t ibang transaksyon. Kung ngayon ay iba’t ibang ID pa ang kailangang ipakita o isumite, sapat na raw ang pagpapakita ng Phil-ID upang patunayan ang ating pagkakailanlan o identity. Nakalagay sa Phil-ID ang ating pangalan, kasarian, kaarawan, tirahan, at blood type. Lalagyan din ito ng QR code na naglalaman ng ating fingerprint, larawan, at iris scan. Makikita rin sa ID ang ating marital status, cellphone number, at email address. Ang Philippine Statistics Authority o PSA ang ahensyang mangangasiwa sa PhilSys, na pagkakagastusan ng pamahalaan ng 2.1 bilyong piso. Para kay Bishop Ruperto Santos ng Balanga, malaki ang maitutulong ng PhilSys lalo na sa mga kababayan nating OFW na laging nabibiktima ng red tape.

May ilan namang may agam-agam sa PhilSys. Ayon sa Foundation for Media Alternatives, isang NGO na nagtataguyod ng karapatan sa privacy nating mga mamamayan, maaari raw mauwi sa malawakang surveillance o paniniktik ang PhilSys. Itinatala raw kasi ng sistema ang ating bawat transaksyong gagamitan ng Phil-ID. Ganito rin ang pangamba ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo. Hindi raw nawawala ang posibilidad na maabuso ang sistemang naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa atin.

Maliban sa paniniktik, nariyan din ang tanong sa seguridad ng mga impormasyong ibibigay natin sa pamahalaan. Matatandaang noong 2016, ilang linggo bago ang halalan, na-hack ang Database ng Commission on Elections o Comelec, at nailabas sa internet ang impormasyon ng 70 milyong botante. Bagamat hindi nanakaw ang mga biometrics o fingerprints, maaaring nagamit ang identidad ng mga botante sa mga mali at ilegal na gawain. Paano kaya matitiyak na hindi ito mangyayari sa higit 100 milyong Pilipinong maisasama sa PhilSys?

Isa pang problemang kakaharapin sa pagpapatupad ng PhilSys ay ang pagsusumite ng birth certificate upang makakuha ng Phil-ID. Problema ito dahil milyun-milyong Pilipino ang walang Birth certificate. Ayon sa NGO na VIDES International, 2.6 milyong batang Pilipino ang hindi rehistrado at karamihan sa kanila ay nasa mga malalayong lugar gaya ng mga katutubo. Dahilan rin ng kawalan ng birth certificate ay ang late registration na pinapatawan pa ng multa, at ang gastos na kakailanganin ng mga nasa probinsya at malalayong lugar upang pumunta sa opisina ng PSA na siyang magbibigay ng birth certificate. Kung walang birth certificate, hindi agad nakapapasok sa paaralan o naaabutan ng mga serbisyo ng pamahalaan ang mga bata. Hindi kaya dapat paglaanan din ng pondo ng pamahalaan ang pagtiyak na may birth certificate ang lahat ng Pilipino at gawin itong libre, lalo na para sa mahihirap?

Kinikilala sa mga panlipunang turo ng Simbahan ang papel ng pamahalaan sa pagtataguyod ng dignidad ng tao, sa pangangalaga sa ating mga karapatan, at sa pagsusulong ng kabutihang panlahat o common good. Ang mga ito sana ang pangunahing isinasaalang-alang sa pagpapatupad ng PhilSys. At magagawa ito sa pamamagitan ng pagtiyak na mapakikinabangan ito ng lahat ng Pilipino, kasabay ng pagkakaroon ng mahigpit na mekanismo upang pangalagaan ang mga personal nating impormasyon laban sa pagnanakaw o pang-aabuso.

Sa huli, mga Kapanalig, ang isyu ng National ID system ay tungkol sa pagkakaroon ng tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Kaya’t sa pagpapatupad ng batas na ito at sa pagpapatakbo ng PhilSys, mas malaking trabaho ng pamahalaan ang kunin ang ating tiwala sa sistemang may dalawang mukha: isang nagpapakita ng pakinabang at isang may dalang panganib.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 13,244 total views

 13,244 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 19,217 total views

 19,217 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 24,972 total views

 24,972 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 32,235 total views

 32,235 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 40,219 total views

 40,219 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 13,245 total views

 13,245 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 19,218 total views

 19,218 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 24,973 total views

 24,973 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 32,236 total views

 32,236 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 40,220 total views

 40,220 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,969 total views

 35,969 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,973 total views

 47,973 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,015 total views

 56,015 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,572 total views

 47,572 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,997 total views

 45,997 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,783 total views

 47,783 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,708 total views

 44,708 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,022 total views

 59,022 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,712 total views

 62,712 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 61,315 total views

 61,315 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top