San Mateo at Rodriguez Rizal, Ideklarang No “Quarrying Zone”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,115 total views

Umaasa ang Parish Priest ng San Rafael Rodriguez Rizal na seryoso ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagpapatigil ng Quarry Operation sa San Mateo at Rodriguez sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Father Noeh Elnar ng San Rafael, matagal nang problema ang quarrying na siyang dahilan ng pagbabaw ng ilog sa bayan ng Rodriguez.

“Ang sabi ko sana nga yung pinalabas nila kagabi na stoppage ng Quarry Operation huwag lang press release, gawin nila talaga,” ayon kay Fr. Elnar sa panayam ng Barangay Simbayanan.

Inaasahan din ng pari na ideklarang ‘No Quarry Zone’ ang San Mateo at Rodriguez dahil sa panganib na dulot nito lalu na tuwing tag-ulan.

“Sana ay magising na sila sa katotohanan,” ayon kay Fr. Elnar.

Naunang nakatanggap ng ‘Death Threat’ si Fr. Elnar matapos ireklamo ang ‘Quarry Operation sa Rizal.

Sa pananalasa ng habagat, 80 porsyento ng bayan ng San Mateo ang nalubog sa baha na may putik habang ganoon din ang karanasan sa bayan ng Rodriguez at lungsod ng Marikina.

“Talagang iyon ang totoong-totoo kasi nakikita namin at nararanasan namin dito na ang tubig ay di sadyang tubig lang kundi panay putik, kulay brown ang nilalabas. Kasi yung isang Quarry Area dito mayroon lang bahagi ng bundok pero at the back of that mountain na kanilang kina-quarry ay mismong yung ilog. Yung nakita ninyong nai-report na lumagpas ang tubig, iyon yung ilog na dinadaluyan ng putik galing sa kanilang mga Quarry Site,” dagdag pa ng Pari.

Sa panayam ng Veritas Pilipinas, nagpasalamat si Marikina Mayor Marcelino Teodoro sa kautusan ng DENR lalu’t kabilang ang Marikina sa labis na naapektuhan ng pagbaha ng putik sa nakalipas na habagat.

Sa ulat, higit 20,000 residente ng Marikina ang nagsilikas dahil sa pagbaha dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Suriin ang panawagan ng protesta

 19,021 total views

 19,021 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 114,079 total views

 114,079 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 136,142 total views

 136,142 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 151,408 total views

 151,408 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 156,213 total views

 156,213 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top