Paglingap sa nasasakupang kawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 576 total reads

Ito ang ginawa ni Rev. Fr. Rey Hector Paglinawan, Kura Paroko ng Most Holy Redeemer Parish sa Masambong Quezon City sa kanyang huling araw sa parokya bago lumipat sa bagong Parokyang itinalaga sa kaniya.

Ayon kay Fr. Paglinawan, bagamat nakalulungkot na aalis ito sa Parokya na kaniyang pinaglingkuran ng mahigit sa apat na taon ay tiwala itong nagampanan ang pagiging pastol ng kawan ng Diyos.

“Sa totoo lang nakalulungkot dahil magkakahiwalay na kami pero natutuwa naman ako dahil ang kayamanan ng Simbahan ay ang mga mahihirap, mas madaling ayain itong mga simpleng mamamayan natin kasi nga simple lang ang pamumuhay nila.” bahagi ng pahayag ni Fr. Paglinawan sa Radio Veritas.

Bagamat noong ika – 13 ng Agosto ang huling araw ng pari sa Parokya, pinili nitong mapalawig ng isang araw pa upang pangasiwaan ang pamamahagi ng tulong sa mga binahang residenteng nasasakupan ng parokya.

Sinabi ng Pari na ito ay pakikiisa at pagpapakita ng pagmamahal sa nasasakupang mananampalataya lalo na sa mga panahong kailangan ang pagdadamayan.

Isinagawa ang pamamahagi ng mahigit sa 700 relief packs sa mga apektadong residente pagkatapos ng huling misa nito sa Parokya.

Pinaalalahanan ng Pari ang mamamayan sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan upang maiwasang masalanta ng mga trahedya tulad ng pagbaha na dulot ng kapabayaan ng tao sa maling pagtatapon ng mga basura.

Mensahe ng pari sa mga mananampalataya ng Most Holy Redeemer Parish na maging responsableng mamamayan upang mapapanatiling malinis at maayos ang kapaligiran sang-ayon sa panawagan ng Kaniyang Kabanalang Francisco sa ensiklikal na Laudato Si.

Bukod dito pinasasalamatan ni Fr. Paglinawan lahat ng mga tumulong upang maisakatuparan ang pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha sa pangunguna ng Diocese ng Cubao, Caritas Manila, ilang indibidwal at Radio Veritas na naging tulay upang makapanawagan ng karagdagang tulong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 29,514 total reads

 29,514 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 109,552 total reads

 109,552 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 203,778 total reads

 203,778 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 264,267 total reads

 264,267 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 276,691 total reads

 276,691 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 37,339 total reads

 37,339 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top