San Mateo at Rodriguez Rizal, Ideklarang No “Quarrying Zone”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,283 total reads

Umaasa ang Parish Priest ng San Rafael Rodriguez Rizal na seryoso ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagpapatigil ng Quarry Operation sa San Mateo at Rodriguez sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Father Noeh Elnar ng San Rafael, matagal nang problema ang quarrying na siyang dahilan ng pagbabaw ng ilog sa bayan ng Rodriguez.

“Ang sabi ko sana nga yung pinalabas nila kagabi na stoppage ng Quarry Operation huwag lang press release, gawin nila talaga,” ayon kay Fr. Elnar sa panayam ng Barangay Simbayanan.

Inaasahan din ng pari na ideklarang ‘No Quarry Zone’ ang San Mateo at Rodriguez dahil sa panganib na dulot nito lalu na tuwing tag-ulan.

“Sana ay magising na sila sa katotohanan,” ayon kay Fr. Elnar.

Naunang nakatanggap ng ‘Death Threat’ si Fr. Elnar matapos ireklamo ang ‘Quarry Operation sa Rizal.

Sa pananalasa ng habagat, 80 porsyento ng bayan ng San Mateo ang nalubog sa baha na may putik habang ganoon din ang karanasan sa bayan ng Rodriguez at lungsod ng Marikina.

“Talagang iyon ang totoong-totoo kasi nakikita namin at nararanasan namin dito na ang tubig ay di sadyang tubig lang kundi panay putik, kulay brown ang nilalabas. Kasi yung isang Quarry Area dito mayroon lang bahagi ng bundok pero at the back of that mountain na kanilang kina-quarry ay mismong yung ilog. Yung nakita ninyong nai-report na lumagpas ang tubig, iyon yung ilog na dinadaluyan ng putik galing sa kanilang mga Quarry Site,” dagdag pa ng Pari.

Sa panayam ng Veritas Pilipinas, nagpasalamat si Marikina Mayor Marcelino Teodoro sa kautusan ng DENR lalu’t kabilang ang Marikina sa labis na naapektuhan ng pagbaha ng putik sa nakalipas na habagat.

Sa ulat, higit 20,000 residente ng Marikina ang nagsilikas dahil sa pagbaha dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 125,759 total reads

 125,759 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 262,819 total reads

 262,819 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,595 total reads

 378,595 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 493,860 total reads

 493,860 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top