Senador Aquino, kinatawan ng Pilipinas sa ICLN freedom summit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 481 total reads

Magiging kinatawan ng Pilipinas sa isasagawang 9th Annual Meeting ng International Catholic Legislators Network (ICLN) sa Roma, Italya si Senator Paulo Benigno ‘Bam’ Aquino IV.

Ang ICLN Freedom Summit ay isasagawa sa ika-22 hanggang ika-26 ng Agosto kung saan inaasahang dadalo si Pope Francis kabilang na ang may 100 mambabatas mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Inaasahan ni Senator Aquino na kabilang sa mga tatalakayin sa Conference ang Human rights, fake news, authoritarianism at mga suliranin hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang panig ng mundo.

“Pero sana nga mapag-usapan itong Authoritarianism, Fake news, pagkawala ng respeto sa institusyon iyan naman po ay nangyayari sa buong Mundo. Iba’t iba nga lamang ang levels kung gaano kalala. But I can say that it’s the trend in the whole world. Ang Santo Papa marami na ring beses na nagsalita tungkol diyan,” ayon kay Senator Aquino sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Ayon pa sa mambabatas; “In fact, if you look at the world today yung Human rights, yung mga kalayaan kanilang pagrespeto sa kanilang pagiging tao yan ay magkakaiba ng levels sa mundo sa US Racism pagtrato sa ibang races. Dito, it’s Really the Killings.”

Hangad din ng mambabatas na matalakay ang sitwasyon ng mahihirap sa Pilipinas, kawalan ng social justice maging ang nararanasang pag-uusig sa pananampalatayang Katoliko.

“Palagay ko po, isang malaking problema ng bansa yung mga mahihirap ang napapahirapan sa panahon ngayon, hindi lamang sa karahasan kundi maging sa Ekonomiya. Kaya dapat ang gobyerno ang dapat bigyang pansin ay ang mga mahihirap sa ating Bansa. May mga Polisiya at mga programa na napapahirapan ang mga mahihirap,” ayon kay Senator Aquino.

Iginiit ni Aquino na mahalagang matalakay sa pagpupulong ang dapat na tugon ng pamahalaan sa mga polisiya na nakakaapekto sa mga mahihirap.

Sa mensahe ng kanyang kabanalan Francisco, patuloy nitong hinihikayat ang mga pinuno ng bawat pamahalaan na isaalang-alang ang kapakanan ng mas nakakaraming mamamayan sa bawat polisiyang ipatutupad.

Tinatayang may higit na sa 1.2 bilyon ang kabuuang populasyon ng mga Katoliko sa buong mundo kung saan ang 40 porsiyento ay mula sa Latin American Countries.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 121,171 total reads

 121,171 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 215,198 total reads

 215,198 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 259,468 total reads

 259,468 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 282,576 total reads

 282,576 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 352,086 total reads

 352,086 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top