HR violations lalong tumitindi, Patayan patuloy pa rin sa Bansa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 363 total reads

Nanawagan ang grupong Rise Up for Life and for Rights na paigtingin pa ang kampanya laban sa karahasan at paglabag sa karapatang pantao o human rights violation sa Bansa.

Ginawa ni Rev. Fr. Gilbert Billena, Spokesperson ng Rise Up for Life and for Rights ang panawagan kaugnay sa paggunita ng unang taon ng pagkakapaslang ng mga pulis sa 17-taong gulang na si Kian Loyd Delos Santos sa Caloocan City.

Ayon sa Pari, mas timitindi pa ang nagaganap na karahasan sa bayan kaya’t naaangkop lamang na mas paigtingin pa ang kampanya upang bigyang halaga ang respeto sa dignidad at buhay ng bawat tao.

Muli ring nanawagan si Father Billena kay Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan na ang serye ng pagpaslang hindi lamang sa mga hinihinalang may kaugnayan sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot kundi maging sa mga pinaghihinalaang nakagawa ng krimen sa lipunan.

“Sa tingin namin tumitindi pa yung human rights violations against sa mga yung mga former drug dependents o kaya kahit mga hindi kasama nun, itong War on Drugs ay nabibiktima din so sa tingin po ng Rights Up talagang mas paigtingin pa ang kampanya laban sa human rights violations at karahasan at manawagan talaga na yung stop the killings at pagrespeto talaga ng dignidad ng tao dahil hindi naman naso-solve ang problema ng drug menace sa ating bayan, sa ating bansa sa pamamagitan ng karahasan…” pahayag ni Father Billena sa panayam sa Radyo Veritas.

Matatandaang ika-16 ng Agosto noong nakalipas na taon ng mapaslang ng mga otoridad ang 17-taong gulang na si Kian Loyd Delos Santos na sinasabi ng mga otoridad na isang Drug runner.

Sinasabing nakipagbarilan ito sa kawani ng Caloocan City police sa Barangay Santa Quiteria na taliwas naman sa mga nasaksihan ng ilang mga residente at naidokumento ng CCTV sa lugar.

Iginiit ng Pari na bumagal lamang ang pagtaas ng kaso ng patayan sa bansa ngunit nagpapatuloy pa rin ito lalo na sa mga malalayong lalawigan.

Ibinihagi ni Father Billena ang pagkakapaslang sa isa nilang volunteer sa Cebu ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Dahil dito, binigyang diin ng Pari na hindi dapat na balewalain ang mga kaso ng karahasan partikular na ang patuloy na mga paglabag sa karapatang pantao ng mga mamamayan.

“Sa tingin po ng Rise Up for Life and for Human Rights medyo may pagbagal nung mga patayan pero sa totoo lang po ay tuloy tuloy pa rin yung mga patayan sa different areas kung titingnan po natin sa Cebu ay may isang volunteer nga po tayo na napaslang doon so mas tumitindi pa yung human rights violation…” Dagdag pa ni Father Billena.

Kaugnay nito noong ika-8 ng Agosto ay binaril ng hindi nakikilalang salarin ang 42-taong gulang na human rights advocate at Rise Up-Cebu volunteer na si Butch Rosales sa loob ng kanyang sinasakyang Jeep sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Naunang nilinaw ng Simbahan ang pakikiisa sa layunin ng pamahalaan na magdulot ng malaking pagbabago sa lipunan ngunit iginiit na hindi maaring idaan sa shortcut o pagkitil sa buhay ang paghahanap ng solusyon sa suliranin ng bansa sa illegal na droga.

Batay sa datos ng mga human rights group, umaabot na sa 23-libo ang napapatay sa kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 22,961 total reads

 22,961 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 103,446 total reads

 103,446 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 197,673 total reads

 197,673 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 258,162 total reads

 258,162 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 270,873 total reads

 270,873 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 18,766 total reads

 18,766 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top