Gamiting pondo ng kabutihan ang salita ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 484 total reads

Ito ang paalala ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalataya sa ika-14 na taong Anibersaryo ng Pondo ng Pinoy.

Ibinahagi ni Cardinal Tagle na ang salita ng Diyos ang marapat na maging pondo at pinagmumulan ng lakas ng bawat mananampalataya.

Nilinaw ng Kardinal na kung si Hesus at ang salita ng Panginoon ang magiging pondo, at inspirasyon sa buhay ng bawat tao ay magdudulot ito ng pagbabago sa bawat isa.

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na ang pagtanggap at pagpapapasok kay Hesus sa puso ng bawat tao ay magbubunga ng pag-ibig at bagong pagkatao na mag-aalis sa lahat ng hindi mabubuting pag-uugali ng isang indibidwal.

“Kapag tinanggap na si Hesus nang may pag-ibig, bagong pagkatao na rin. Dapat yung luma ay maalis na – bitterness, fury, anger, shouting, reviling, dapat maalis. Hindi iyan katangian ng mga taong nakinig sa salita ng Diyos at tinanggap si Hesus. Galit, poot, pambubulyaw at masasamang salita, hindi ‘yan galing sa pananampalataya.” pahayag ni Cardinal Tagle.

Binigyan diin ng Kardinal na kung tatanggapin at paniniwalaan ng bawat tao ang salita ng Panginoon bilang pondo ng pananampalataya ay maging kanyang kayamanan.

“Kung titingnan po natin ang pinaka-pondo natin ay ang salita ng Diyos na kapag tinanggap, pinaniwalaan, isinabuhay ay magiging kayamanan.” bahagi ng Homiliya ni Kardinal Tagle.

Noong Linggo ika-12 ng Agosto, ipinagdiwang ang ika-14 na taong anibersaryo ng pagkakatatag sa Pondo ng Pinoy ni dating Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales.

Ipinaalala din ni Kardinal Tagle, na nawa sa paglago at pagdami ng mga natutulungan ng Pondo ng Pinoy ay magbunga pa ito ng mas maraming marangal na Filipino na marunong dumamay sa kanilang kapwa at bukas ang puso katulad kay Kristo.

“Ang final na produkto ng Pondo ng Pinoy ay ang marangal na Pinoy. Marangal dahil marunong umibig, marunong dumamay, bukas ang mata at puso sa kapwa. Ang marangal na Pinoy hindi individualistic. Ang marangal na Pinoy hindi sarili ang itinataguyod. Ang marangal na Pinoy hindi magaspang ang pag-uugali. Ang marangal na Pinoy hindi nambubusabos. Ang marangal na Pinoy katulad ni Kristo.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 120,282 total reads

 120,282 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 214,309 total reads

 214,309 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 258,579 total reads

 258,579 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 281,687 total reads

 281,687 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 351,248 total reads

 351,248 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 33,630 total reads

 33,630 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 26,531 total reads

 26,531 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top