Senador Aquino, kinatawan ng Pilipinas sa ICLN freedom summit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 430 total reads

Magiging kinatawan ng Pilipinas sa isasagawang 9th Annual Meeting ng International Catholic Legislators Network (ICLN) sa Roma, Italya si Senator Paulo Benigno ‘Bam’ Aquino IV.

Ang ICLN Freedom Summit ay isasagawa sa ika-22 hanggang ika-26 ng Agosto kung saan inaasahang dadalo si Pope Francis kabilang na ang may 100 mambabatas mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Inaasahan ni Senator Aquino na kabilang sa mga tatalakayin sa Conference ang Human rights, fake news, authoritarianism at mga suliranin hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang panig ng mundo.

“Pero sana nga mapag-usapan itong Authoritarianism, Fake news, pagkawala ng respeto sa institusyon iyan naman po ay nangyayari sa buong Mundo. Iba’t iba nga lamang ang levels kung gaano kalala. But I can say that it’s the trend in the whole world. Ang Santo Papa marami na ring beses na nagsalita tungkol diyan,” ayon kay Senator Aquino sa panayam ng programang Veritas Pilipinas.

Ayon pa sa mambabatas; “In fact, if you look at the world today yung Human rights, yung mga kalayaan kanilang pagrespeto sa kanilang pagiging tao yan ay magkakaiba ng levels sa mundo sa US Racism pagtrato sa ibang races. Dito, it’s Really the Killings.”

Hangad din ng mambabatas na matalakay ang sitwasyon ng mahihirap sa Pilipinas, kawalan ng social justice maging ang nararanasang pag-uusig sa pananampalatayang Katoliko.

“Palagay ko po, isang malaking problema ng bansa yung mga mahihirap ang napapahirapan sa panahon ngayon, hindi lamang sa karahasan kundi maging sa Ekonomiya. Kaya dapat ang gobyerno ang dapat bigyang pansin ay ang mga mahihirap sa ating Bansa. May mga Polisiya at mga programa na napapahirapan ang mga mahihirap,” ayon kay Senator Aquino.

Iginiit ni Aquino na mahalagang matalakay sa pagpupulong ang dapat na tugon ng pamahalaan sa mga polisiya na nakakaapekto sa mga mahihirap.

Sa mensahe ng kanyang kabanalan Francisco, patuloy nitong hinihikayat ang mga pinuno ng bawat pamahalaan na isaalang-alang ang kapakanan ng mas nakakaraming mamamayan sa bawat polisiyang ipatutupad.

Tinatayang may higit na sa 1.2 bilyon ang kabuuang populasyon ng mga Katoliko sa buong mundo kung saan ang 40 porsiyento ay mula sa Latin American Countries.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 22,965 total reads

 22,965 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 103,449 total reads

 103,449 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 197,676 total reads

 197,676 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 258,165 total reads

 258,165 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 270,876 total reads

 270,876 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top