Ang mamamayan ang magpapasya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 552 total reads

Mga Kapanalig, nalimutan yata ni Pangulong Duterte kung sino ang may karapatang pumili ng mga lider na magpapatakbo ng pamahalaan.

Noong isang linggo, inamin niyang dismayado na siya dahil laganap pa rin ang katiwalian sa pamahalaan at pagod na raw siya kaya’t nais na niyang bumaba sa puwesto. Gayunman, hindi siya bilib na kaya ng kasalukuyang bise presidente na si Leni Robredo na humalili. Wala raw magagawa si VP Leni, na may Angat Buhay Program na nakapag-abót na ng tulong sa mahigit isandaan at limampung libong pamilya kaagapay ng pribadong sektor. Dagdag pa ng presidente, nagmula si VP Leni sa Naga City kung saan talamak daw ang shabu. Kaya mas gugustihin daw niyang magkaroon ng military junta o kaya naman ay palitan siya ni dating senador Bongbong Marcos, anak ng diktador at idolo ni Pangulong Duterte na si Ferdinand Marcos.

Ayon sa tagapagsalita ng pangulo, seryoso raw si Pangulong Duterte nang sabihin niyang magbibitiw siya basta’t may kakayanan ang maaaring humalili sa kanya. Nanawagan naman sa publiko ang ilang miyembro ng gabinete at mga kaalyadong senador ng presidente na unawain kung saan nanggagaling ang pangulo. Frustrated o nakararamdam daw marahil ng pagkabigo si Pangulong Duterte. Ang malinaw, mga Kapanalig, labag sa Saligang Batas ang alinman sa mga nais niyang mangyari kung bababa siya sa puwesto.

Tulad ng kasabihan tungkol sa pag-aasawa, ang panunungkulan sa pamahalaan—ang paglilingkod sa bayan—ay hindi parang mainit na kaning kapag isinubo mo at napaso ka ay iluluwa mo. Hindi dahil sa pagód na o frustrated ang isang lider ay basta na lamang siyang magbibitiw. Hindi rin ito tamang dahilan upang bigyang-daan ang sinumang gusto niyang pumalit sa kanya sa posisyon.

Sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na ang lahat ng pinuno ng lahat ng sangay ng pamahalaan ay dapat magsikap na mahanap at makamit ang lahat ng makapag-aambag sa maayos na pamumuhay ng taumbayan. Ang mga namumuno ay dapat managot sa kanilang mga pinamumunuan. Nakakadalawang taon na ang administrasyong Duterte—lampas na sa sarili nitong deadline upang sugpuin ang katiwalian sa pamahalaan—kaya’t marapat lamang na papanagutin natin siya sa tungkuling kanyang sinumpaang gampanan.

Hindi ba’t ibinoto siya ng 16 na milyong Pilipino dahil sa pangako niyang aalisin niya ang katiwalian sa loob anim na buwan kahit pa buhay niya ang maging kapalit?

Seryoso man o hindi si Pangulong Duterte tungkol sa pagre-resign, huwag niya rin sanang kalimutang may umiiral na Saligang Batas na nagsasabing ang taumbayan ang may kapangyarihang pumili ng hahalili sa kanya. Dapat sundin ang Konstitusyon bilang pinakamataas na batas sa ating bansa at kumakatawan sa hangarin nating mga Pilipino.  At dahil malinaw sa Konstitusyong ang bise-presidente ang dapat humalili sa pangulo kung magbibitiw siya o kung hindi na niya magagawang manungkulan, dapat itong igalang ni Pangulong Duterte at ng kanyang masugid na mga tagasuporta. Samakatuwid, ang Saligang Batas at hindi ang kagustuhan ng pangulo ang masusunod. Gaya ng binibigyang-diin sa Catholic social teaching na Centesimus Annus, ang lahat ng ginagawa ng ating mga lider ay dapat sang-ayon sa rule of law, sa batas ng sambayanan at hindi sa sariling kagustuhan ng mga lider.

Mga Kapanalig, nakababahala ang mga ganitong pahayag ni Pangulong Duterte dahil lantarang salungat ang mga ito sa Saligang Batas. Nakalulungkot na para bang napakadali sa mga lider nating isantabi ang batas para isulong ang kanilang kagustuhan. Sa pagkakaalam natin, umiiral pa rin naman ang demokrasya sa ating bansa. Hindi tayo pinamumunuan ng isang haring maaaring pumili ng papalit sa kanya. Hindi tayo pinamumunuan ng isang haring ang salita’y hindi nababali. Sa isang demokrasya, tayong mga mamamayan ang may kapangyarihang magpasya, tayong mga mamamayan ang may huling salita.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 102,982 total reads

 102,982 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 197,008 total reads

 197,008 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 241,278 total reads

 241,278 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 264,386 total reads

 264,386 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 334,824 total reads

 334,824 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 102,983 total reads

 102,983 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 197,009 total reads

 197,009 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 241,279 total reads

 241,279 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 264,387 total reads

 264,387 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top