Taongbayan, Apektado sa rice importation ng Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 587 total reads

Ang mga mamimili ang higit na apektado sa mga Polisiya sa pag-aangkat ng bigas ng Pamahalaan.

Ito ang pahayag ni Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon ng suplay at presyo ng bigas sa bansa.

“Ang mga Konsyumer lalo na ang mga mahihirap ang lalo pang pinahihirapan ng ganitong kalakaran at polisiya ng Importasyon.” pahayag ni Estavillo.

Ayon kay Estavillo, sinasamantala ng mga exporter at trader ng bigas ang binabalak ng pamahalaan na luwagan ang polisiya hinggil sa pag-aangkat ng bigas.

Ito ay sa pamamagitan ng isinusulong na Rice Tariffication Bill na naglalayong tugunan ang suliranin sa suplay at mataas na presyo ng bigas sa mga pamilihan sa bansa.

“Ginagawa tayong tambakan ng bigas na mababa ang kalidad habang kumikita ng malaki ang mga dayuhang Negosyante. Sa kabilang banda, kumikita naman ang mga Lokal na trader at importer sa pang-iipit at pag-iimbak ng suplay ng Imported na bigas.” dagdag ni Estavillo.

Kinundena naman ng grupo ang National Food Authority sa mga nasirang inangkat na bigas mula Thailand na nadiskubre sa Subic Bay Freeport Zone at Tabaco, Albay.

Sinabi ng grupo na umaabot sa 133,000 at 23,000 kaban ng bigas ang binukbok lamang sa imbakan.

Nagbabala ang grupo sa pamahalaan na huwag gamiting dahilan ang mga binukbok na bigas upang ikatwiran ang tuluyang pag-aangkat ng mga produktong bigas.

Sa halip, hinimok ng Bantay Bigas ang NFA na paghandaan ang pagbili ng palay sa mga Lokal na magsasaka dahil malapit na ang Harvest season.

Sa pag-aaral na inilabas ng Philippine Statistics Authority, patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas sa mga pamilihan sa kabila ng tuloy-tuloy na pag-angkat ng NFA.

Sa kasalukuyan, isinailalim sa State of Calamity ang Zamboanga City dahil sa kakulangan ng supply ng bigas.

Sa isang mensahe ng Kaniyang Kabanalang Francisco kinilala nito ang mga magsasaka bilang mahalagang sektor ng lipunan dahil sa kanilang pagsusumikap na makapaghatid ng mga produktong pagkain sa bawat mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 100,746 total reads

 100,746 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 194,772 total reads

 194,772 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 239,042 total reads

 239,042 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 262,149 total reads

 262,149 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 332,714 total reads

 332,714 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top