Ang mamamayan ang magpapasya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 582 total reads

Mga Kapanalig, nalimutan yata ni Pangulong Duterte kung sino ang may karapatang pumili ng mga lider na magpapatakbo ng pamahalaan.

Noong isang linggo, inamin niyang dismayado na siya dahil laganap pa rin ang katiwalian sa pamahalaan at pagod na raw siya kaya’t nais na niyang bumaba sa puwesto. Gayunman, hindi siya bilib na kaya ng kasalukuyang bise presidente na si Leni Robredo na humalili. Wala raw magagawa si VP Leni, na may Angat Buhay Program na nakapag-abót na ng tulong sa mahigit isandaan at limampung libong pamilya kaagapay ng pribadong sektor. Dagdag pa ng presidente, nagmula si VP Leni sa Naga City kung saan talamak daw ang shabu. Kaya mas gugustihin daw niyang magkaroon ng military junta o kaya naman ay palitan siya ni dating senador Bongbong Marcos, anak ng diktador at idolo ni Pangulong Duterte na si Ferdinand Marcos.

Ayon sa tagapagsalita ng pangulo, seryoso raw si Pangulong Duterte nang sabihin niyang magbibitiw siya basta’t may kakayanan ang maaaring humalili sa kanya. Nanawagan naman sa publiko ang ilang miyembro ng gabinete at mga kaalyadong senador ng presidente na unawain kung saan nanggagaling ang pangulo. Frustrated o nakararamdam daw marahil ng pagkabigo si Pangulong Duterte. Ang malinaw, mga Kapanalig, labag sa Saligang Batas ang alinman sa mga nais niyang mangyari kung bababa siya sa puwesto.

Tulad ng kasabihan tungkol sa pag-aasawa, ang panunungkulan sa pamahalaan—ang paglilingkod sa bayan—ay hindi parang mainit na kaning kapag isinubo mo at napaso ka ay iluluwa mo. Hindi dahil sa pagód na o frustrated ang isang lider ay basta na lamang siyang magbibitiw. Hindi rin ito tamang dahilan upang bigyang-daan ang sinumang gusto niyang pumalit sa kanya sa posisyon.

Sinasabi sa mga panlipunang turo ng Simbahan na ang lahat ng pinuno ng lahat ng sangay ng pamahalaan ay dapat magsikap na mahanap at makamit ang lahat ng makapag-aambag sa maayos na pamumuhay ng taumbayan. Ang mga namumuno ay dapat managot sa kanilang mga pinamumunuan. Nakakadalawang taon na ang administrasyong Duterte—lampas na sa sarili nitong deadline upang sugpuin ang katiwalian sa pamahalaan—kaya’t marapat lamang na papanagutin natin siya sa tungkuling kanyang sinumpaang gampanan.

Hindi ba’t ibinoto siya ng 16 na milyong Pilipino dahil sa pangako niyang aalisin niya ang katiwalian sa loob anim na buwan kahit pa buhay niya ang maging kapalit?

Seryoso man o hindi si Pangulong Duterte tungkol sa pagre-resign, huwag niya rin sanang kalimutang may umiiral na Saligang Batas na nagsasabing ang taumbayan ang may kapangyarihang pumili ng hahalili sa kanya. Dapat sundin ang Konstitusyon bilang pinakamataas na batas sa ating bansa at kumakatawan sa hangarin nating mga Pilipino.  At dahil malinaw sa Konstitusyong ang bise-presidente ang dapat humalili sa pangulo kung magbibitiw siya o kung hindi na niya magagawang manungkulan, dapat itong igalang ni Pangulong Duterte at ng kanyang masugid na mga tagasuporta. Samakatuwid, ang Saligang Batas at hindi ang kagustuhan ng pangulo ang masusunod. Gaya ng binibigyang-diin sa Catholic social teaching na Centesimus Annus, ang lahat ng ginagawa ng ating mga lider ay dapat sang-ayon sa rule of law, sa batas ng sambayanan at hindi sa sariling kagustuhan ng mga lider.

Mga Kapanalig, nakababahala ang mga ganitong pahayag ni Pangulong Duterte dahil lantarang salungat ang mga ito sa Saligang Batas. Nakalulungkot na para bang napakadali sa mga lider nating isantabi ang batas para isulong ang kanilang kagustuhan. Sa pagkakaalam natin, umiiral pa rin naman ang demokrasya sa ating bansa. Hindi tayo pinamumunuan ng isang haring maaaring pumili ng papalit sa kanya. Hindi tayo pinamumunuan ng isang haring ang salita’y hindi nababali. Sa isang demokrasya, tayong mga mamamayan ang may kapangyarihang magpasya, tayong mga mamamayan ang may huling salita.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 126,058 total reads

 126,058 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 263,100 total reads

 263,100 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,875 total reads

 378,875 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 494,131 total reads

 494,131 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 126,061 total reads

 126,061 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 263,103 total reads

 263,103 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 378,878 total reads

 378,878 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »
Scroll to Top