Simbahan, pinaigting pa ang pagtugon sa mga apektado ng tagtuyot

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 461 total reads

Pinaigting pa ng Simbahang Katolika ang pagkilos para tugunan ang pangangailangan ng mga magsasakang apektado ng El Niño phenomenon sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Sa kasalukuyan, kinukumpleto ng Caritas Manila, ang social action arm ng Archdiocese of Manila ang mga datos sa pangangailangan ng mga apektadong Diyosesis sa pamamagitan ng Radio Veritas 846 bilang communication hub.

Isa sa mga una nang umapela ng tulong ay ang Archdiocese of Cotabato na sumasakop sa lalawigan ng Maguindanao, Sultan Kudarat at North Cotabato na isinailalim na sa state of emergency bunsod ng matinding epekto ng tagtuyot.

Inamin ni Father Clifford Baira, Social Action Director ng nasabing Arkidiyosesis na matindi na ang epekto ng tagtuyot sa kanilang mga lalawigan partikular na sa kabuhayan ng mga magsasaka.

Dahil dito, umapela na si Father Baira sa iba’t-ibang institusyon ng Simbahan partikular na sa Caritas Manila ng tulong pinansyal upang madalhan ng relief assistance ang 13 Parokya sa Archdiocese of Cotabato ng apektado ng El Niño.

Sa datos na ipinadala ni Father Baira, aabot sa mahigit 12 libong pamilya ang apektado ng El Nino sa kanilang archdiocese.

“As I travelled around the Archdiocese these past weeks, I personally observed that it is not only the province of Maguindanao that is heavily affected by the drought. Consideration is due to other nearby provinces within the Archdiocese of Cotabato, like North Cotabato and Sultan Kudarat’s mountain areas of Senator Ninoy Aquino and Barangay Masiag. Yet, based on some testimonies of our faithful in the Basic Ecclesial Communities in some barangays and chapels, they can hardly avail of the goods coming from the government for whatever reason.” Pahayag ni Father Baira sa sulat na ipinadala sa Radyo Veritas.

Noong ika-12 ng Abril 2016, 200 sako ng bigas ang ipinagkaloob ng Caritas Manila sa Social Action Center ng Diocese of Kidapawan para sa libu-libong magsasaka na dumadaing ng kagutuman bunsod ng malalang epekto ng tagtuyot sa kanilang mga pananim.

Kinumpirma naman ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari ang patuloy na pagsasagawa ng Diocese ng assessment sa mga apektadong residente ng lalawigan habang ongoing ang kanilang rehabilitation program sa mga apektado ng bagyong Nona at Lando.

Sa kasalukuyan 7 probinsya at 5 lungsod na sa bansa ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng El Niño.

Samantala nagpahayag na ang Simbahang katolika ng panalangin para sa pagkakaroon ng ulan sa bansa sa pamamagitan ng pagdarasal ng oratio imperata.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 7,819 total reads

 7,819 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 32,038 total reads

 32,038 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 68,539 total reads

 68,539 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 289,163 total reads

 289,163 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 323,389 total reads

 323,389 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 103,802 total reads

 103,802 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top