Mga Diyosesis na apektado ng bagyong Ompong, nanawagan ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,647 total reads

Umapela ng tulong ang iba’t-ibang Diyosesis na matinding naapektuhan ng mga pagbaha at pagguho ng lupa na dala ng pananalasa ng bagyong Ompong sa bansa.

Diocese of Baguio

Ayon kay si Father Manny Flores, Jr. Social Action Director ng Diocese of Baguio, hirap ngayon ang iba’t-ibang grupo maging ang pamahalaan mula sa labas ng Baguio, na mag-paabot ng tulong dahil isolated pa ang lugar at karamihan sa mga kalsada papunta ay hindi pa posibleng madaanan.

Tiniyak ng Pari na puspusan ang pagkilos ng lokal na pamahalaan sa Baguio kasama ang mga volunteers nito upang agad na matanggal ang mga lupa at punong gumuho sa mga kalsada.

“As initial assessment isolated ngayon ang baguio almost all routes going to baguio are closed, so right now mahirap pong bumyahe sa baguio papasok at palabas… Marami po [ang landslides] pero ginagawan na naman ng paraan ng ating gobyerno at mga volunteers, nagsikuha na ng mga pala para lang [isaayos], ang ating road network.” pahayag ng pari sa Radyo Veritas.

Samantala, pagkain, mga kumot, hygiene kits at tubig ang pangunahing pangangailangan ng marami sa mga nasasakupan ng Diocese of Baguio.

Sinabi ni Father Flores na nakapagbahagi na ng inisyal na tulong ang kanilang Diyosesis sa 55 pamiya o 250 indibidwal sa isang evacuation center.

“For now ang kakailanganin nila ay food, mga beddings saka tubig, so far yun po yung nirerespond namin with the little goods that we have. Yung mga prepositioned goods natin ngayon halos naibigay na lahat dun sa isang evacuation center, pero I believe also if you wish to send some financial help that would be great also for us to buy nalang yung mga need, specially dun sa mga evacuation centers in Benguet side po.” panawagan ng Pari.

Archdiocese of Lingayen Dagupan

Tinatayang 5,000 indibidwal ang lumikas sa ilalim ng Archdiocese of Lingayen Dagupan sa Panggasinan matapos ang matinding pagbahang dala ng bagyong Ompong.

Ayon kay Father Estepen Espinosa – Social Action Director ng Arkidiyosesis, lumala pa ang baha matapos magbukas ng dalawang gate ang San Roque dam na nagpakawala ng halos 8metrong taas ng tubig.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pag-iikot ng Social Action Center upang tiyaking maayos ang kalagayan ng mga mamamayan sa iba’t-ibang evacuation areas sa Panggasinan.

“We came up with 5000 estimate during the storm. Assessment is being made today at parish level whether number increased or not. San Roque dam releasing water still. 2 gates. 8 meters high. Might aggravate flooding in already-affected areas.” mensahe ni Father Espinosa sa Radyo Veritas.

Diocese of Tarlac

Nababahala naman ang Diocese of Tarlac na kulangin ang kanilang pondo para sa pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.

Ayon kay Father Randy Salunga, wala pang tiyak na bilang kung ilan ang mga naapektuhan sa iba’t-ibang mga parokya sa kanilang diyosesis subalit inaasahan na nito na marami din ang bilang ng mga nasalanta sa kanilang nasasakupan.

Dahil dito, nanawagan ang pari at nagpapasalamat sa mga may bukas na pusong tutugon sa pangangailangan ng mga matinding naapektuhan ng bagyong Ompong.

Diocese of Laoag

Naghahanda na ang Diocese of Laoag upang tulungan ang mga mamamayang napinsala ang tahanan at mga pananim.

Nagpapasalamat si Msgr. Noel Ian Rabago – Vicar General ng diyosesis, na ito lamang ang mga pinsalang natamo sa kanilang lugar at walang nasawi mula sa hagupit ng bagyong Ompong.

Sa kabila nito, marami pa ring nananatili sa mga evacuation centers kaya naman nakahanda na rin ang mga relief goods ng simbahan at pamahalaan.

Nananawagan pa rin ang Diocese para sa mga karagdagang donasyon para sa rehabilitasyon ng mga nasirang bahay at pangkabuhayan ng mamamayan.

Kaugnay nito, umiikot na rin sa Luzon ang Damayan Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila para i-asses ang mga lugar na sinalanta ng bagyong Ompong.

Tiniyak naman ni Caritas Manila executive director at Radio Veritas President Father Anton Pascual na may nakahandang standby funds ang social arm ng Archdioces of Manila para sa relief at rehab ng mga lugar na matinding apektado ng bagyo.

Mga Pari, mensahero ni kristo

 3,133 total reads

 3,133 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 13,881 total reads

 13,881 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 54,441 total reads

 54,441 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 81,750 total reads

 81,750 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 130,015 total reads

 130,015 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 151,502 total reads

 151,502 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 25,561 total reads

 25,561 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 18,499 total reads

 18,499 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top