Kalinga, Hindi parusa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 505 total reads

Mga Kapanalig, nag-viral sa social media noong nakaraang linggo ang video ng mga “batang hamog” na kumuha ng pagkain at nanakit ng mga pasahero sa isang jeep sa Macapagal Avenue sa Maynila. Nakalulungkot ang kalagayan gayundin ang ginawa ng mga bata, ngunit mas nakalulungkot ang panghuhusga sa kanila ng mga netizens.

Ayon sa kumuha at nag-post ng video, hindi bababa sa isang dosenang bata ang umakyat sa jeepney upang mamalimos, ngunit nauwi raw iyon sa pananakit sa mga pasahero at pagkuha ng kanilang pagkain. Tinawag na mga “magnanakaw” ng maraming netizens ang mga bata. Sinisi rin ng ilan ang umiiral batas na nangangalaga sa mga bata dahil kinukunsinti raw nito ang paggawa ng mali ng mga bata. Ang batas na kanilang tinutukoy ay ang Juvenile Justice and Welfare Act o JJWA.

Isa sa mga laganap na maling akala tungkol sa JJWA ay ang pangungunsinti nito sa mga bata, at ang hindi pagpapanagot sa kanila. Hindi ito totoo, mga Kapanalig. Pinapanagot ng JJWA ang mga bata nang batay sa kanilang kapasidad at nang naaayon sa prinsipyo ng katarungang nagpapanumbalik o restorative justice. Bagamat ang mga batang edad 15 pataas lamang ang may kriminal na pananagutan, hindi ibig sabihin nitong hahayaan na lamang ang mga mas nakababatang gumawa ng mali. Ayon sa batas, dapat silang dalhin sa isang social worker na siyang kakausap sa mga magulang. Itatala naman ng pulis ang nagawa ng mga bata. Dadaan din sila sa kaukulang programa nang kanilang maunawaan ang nagawang pagkakamali at maiwasang ulitin iyon. Para naman sa mga batang edad 15 pataas, mayroon na silang kriminal na pananagutan ngunit hindi sila dapat ipipiit kasama ng mga nakatatanda. Hindi makabubuting isama sila sa mga nakatatandang labas-masok na sa kulungan. Hangga’t bata pa sila, kailangan silang tulungang magbago sa paraang kinikilala ang kanilang pagkabata.

Ang mga batang nasa mga lansangan ay isa sa mga pinakalantad sa mga kalagayang nagtutulak sa kanilang labagin ang batas. Kabilang sila sa mga tinatawag na child-at-risk. Ayon sa Childhope Philippines, isang NGO na kumakalinga sa mga batang lansangan, aabot sa 70,000 ang mga batang lansangan o children in street situations sa Metro Manila. Hinaharap ng mga batang ito, gaya ng mga batang nasa video, ang malupit na mga lansangan araw-araw. Lantad sila sa napakaraming risgo o risks dala ng kawalan nila ng tirahan, sapat na pagkain, edukasyon, at malusog na pangangatawan. Hindi ba’t ang mga kakulangang ito sa napakabata nilang edad ang nagtutulak sa kanilang umasa sa limos at humingi ng pagkain sa mga estranghero?

Mga Kapanalig, nasusukat ang pagiging makatao ng isang lipunan batay sa pagturing ng mga mamamayan nito sa mga bata. Sa pagbisita ni Pope Francis sa ating bansa tatlong taon na ang nakararaan, tinanong siya ng isang batang dating nakatira sa lansangan: bakit daw hinahayaan ng Diyos na may mga batang walang makain at matulugan? Ang karanasan ng batang kumausap sa Santo Papa ay katulad ng nararanasan ng mga batang nasa video. Hindi direktang nasagot ni Pope Francis ang tanong ng batang babae sa kanya, ngunit sa kanyang misa sa huling araw ng pagbisita niya rito, sinabi niyang ang bawat bata ay isang biyaya. Dapat silang tanggapin nang malugod, itangi, at alagaan.

Mga Kapanalig, sa halip na husgahan natin ang mga batang nakunan ng video dahil sa kanilang nagawang mali, tungkulin nating mga nakatatanda ang kalingain at gabayan sila. Tinatawag tayong labanan ang mga kalagayang naglalagay sa mga bata sa lansangan. Pangunahing tungkulin naman ng pamahalaang tiyaking ang mga pamilya ng mga batang ito ay may tahanan at ang mga magulang nila ay may mahahanap na disenteng hanapbuhay.

Labis nang malupit ang kapaligirang kinalalagyan ng mga batang lansangan. Kalinga, hindi parusa, ang kailangan nila.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO GINASTOS ANG PERA

 15,711 total reads

 15,711 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 123,266 total reads

 123,266 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 160,053 total reads

 160,053 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 190,627 total reads

 190,627 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 238,370 total reads

 238,370 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAANO GINASTOS ANG PERA

 15,712 total reads

 15,712 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 123,267 total reads

 123,267 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 160,054 total reads

 160,054 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 190,628 total reads

 190,628 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »
Scroll to Top