Pagpapaalis kay Sister Fox, Kumakatawan sa usaping panlipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 640 total reads

Ang tuluyang pagpapaalis ng Pamahalaan sa 71-taong gulang na Australian Missionary Nun na si Sr. Patricia Fox ay kumakatawan sa mas malawak na usaping panlipunan.

Ito ang inihayag ni Rev. Father Eduardo Apungan, CMF, Vice Chairman ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) kaugnay sa desisyon ng Bureau of Immigration na hindi na muling palawigin pa ang Missionary Visa ni Sr. Fox.

Ayon sa Pari, ang naging hakbang ng pamahalaan laban sa Madre ay tahasang panggigipit ng pamahalaan upang maisantabi at mapatahimik ang mga kritiko ng Gobyerno at mga personalidad na hindi sang-ayon sa hindi makatarungang panuntunan ng Pamahalaan.

“So ito ay hindi usapin ng kawalan lang ni Sister Fox, ang pinaglalaban dito is yung pagrespeto sa mga institution, Democratic Institutions na kung saan ay ginagawalan ni Sister Fox at usapin din ng is there a deliberate way na gusto mong patahimikin yung nagsasalita sa panig ng mga Vulnerable Sectors…” pahayag ni Fr. Apugan sa panayam sa Radyo Veritas.

Iginiit ng Pari na nananatiling kaduda-duda ang tunay na dahilan ng puspusang pagpapaalis ng pamahalaan kay Sr. Fox na higit 27-taong pinaglingkuran ang mga Filipino.

Sinabi ni Father Apugan na hindi maitatatwa na ang pagpapaalis ng pamahalaan kay Sr. Fox ay dahil sa pakikiisa ng Madre sa kalagayan ng mga inaaping mamamayan.

“Ano ba ang ginawa rin ni Sister Fox, for how many years na nandito siya na naglilingkod din sa bansa natin for how many years, nang dahil lang ba sa naging critical siya sa government policy o sa issue ng kanyang involvement sa social issues, dahil ba sa kanyang ginawa na naging kritiko din siya sa polisiya ng government o yun ba ay kayang consequence sa kanyang pakikiisa sa mga vulnerable sectors…” mga katanungan ni Father Apugan.

Kaugnay nito, tuluyan ng kinansela ng Bureau of Immigration o BI ang missionary visa ng 71-taong gulang na si Sr. Patricia Fox matapos ang kanyang higit 27-taong pagmimisyon sa bansa.

Ang desisyon ng BI ay ibinase sa Philippine Immigration Act of 1940 – Section 9 na nagbabawal sa mga dayuhang misyonero sa bansa sa makisangkot sa anumang uri ng political activities.

Gayunpaman, mariing nanindigan ang kampo ni Sr. Fox na walang anumang ginawang pakikisangkot ang Madre sa mga gawaing pulitika dahil ang kanyang misyon ay para tulungan, gabayan at suportahan ang ipinaglalaban ng mga manggagawa, magsasaka at mga katutubo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 30,361 total reads

 30,361 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 114,366 total reads

 114,366 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 208,698 total reads

 208,697 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 270,384 total reads

 270,383 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 314,655 total reads

 314,655 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top