Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamahalaan, Umaasang may buhay pa sa gumuhong minahan sa Benguet

SHARE THE TRUTH

 607 total views

Umaasa pa rin ang Gobyerno na may makukuhang buhay mula sa mga gumuhong minahan sa Benguet.

Ito ayon kay Presidential Adviser on Political Affairs Secretary Francis Tolentino, In-Charge ng Disaster response for Typhoon Ompong kaugnay sa patuloy na isinagawang rescue at retrieval operation partikular sa Itogon, Benguet at Baguio City.

“Im not giving up hope kasi marami namang mga incident na kahit na two weeks may survivor pa,” ayon kay Tolentino.

Sa tala, may 81 na ang bilang ng mga bangkay na nakukuha habang higit pa rin sa 50 ang nawawala.

Tiniyak din ng kalihim ang pagbibigay ng pagbababasbas ng mga pari sa oras na makita at makilala ang mga bangkay mula sa guho.

Bukod dito, isinaayos na rin ng kalihim ang sistema ng paghuhukay sa pamamagitan ng paghahati-hati ng mga lugar sa mga Pulis, Sundalo, Bumbero at mga Volunteers kasabay na rin ang pagdaragdag ng mga canine na tutulong para sa paghahanap ng mga katawan.

Sa ganitong paraan ayon sa kalihim ay mas mabilis ang paghahanap at ang pagkakataon na makakuha pa ng mga ‘Survivor’.

Una na ring nagpahayag ang simbahan ng pasasalamat sa lahat ng mga volunteers na nagtutulong-tulong sa mga biktima at isang paraan din ng pakikiisa at pagmamalasakit sa kapwa.

Sa pahayag ni Davao Archbishop Romulo Valles, Pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, nawa ang presensya ng mga nagmamalakasakit ay magbigay din ng lakas ng loob sa mga naapektuhan ng bagyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 5,687 total views

 5,687 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 21,776 total views

 21,776 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 59,562 total views

 59,562 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 70,513 total views

 70,513 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 15,868 total views

 15,868 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 2,869 total views

 2,869 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 22,856 total views

 22,856 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top