Manila Cathedral, Magdamag na bukas sa Relikya ng puso ni St.Padre Pio

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 556 total reads

Napapanahon ang pagdalaw ng Relikya ng mahal na puso ni Santo Padre Pio sa Pilipinas sa pagtatapos ng Year of the Clergy and Consecrated Persons.

Ayon kay Father Reginald Malicdem, Rector ng Minor Basilica of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral, natatangi ang halimbawang ipinamalas ni Padre Pio para sa mga pari at nagtalaga ng sarili sa Diyos.

Sinabi ng pari na hindi lamang basta nagsagawa ng pangkaraniwang tungkulin ng mga pari si Padre Pio, kungdi nagpamalas ito ng kabanalan sa pamamagitan ng kanyang tahimik na pagbabata ng mga paghihirap ni Hesukristo.

Ipinaalala ni Father Malicdem na maging si Padre Pio ay nagtamo ng mga sugat ni Hesus na stigmata at ito ang magandang halimbawa sa lahat.

Ayon sa pari, ang pagsubok na pinagdadaanan ng simbahan sa kasalukuyan, kasama na ang pag-uusig sa mga pari at sa mga pinuno nito ay bahagi ng mga suliraning kailangang matamo ng bawat isa upang lumago sa kabanalan at matularan din ang ginawang pag-aalay ng sarili ni Padre Pio.

“Maraming pagsubok sa daigdig na ito, maraming pag-uusig ang hinaharap ng simbahan at maraming pag-uusig, lalong-lalo na sa mga namumuno sa Simbahan. Pero sa tahimik na pagbabata nito, sa tahimik na pagdadala nito sa aming mga puso bilang pakikibahagi namin sa paghihirap, sa pagdurusa ni Kristo, doon nagkakaroon din kami ng kabanalan,” bahagi ng pahayag ng Pari sa Radyo Veritas.

Dahil dito, hinimok ni Father Malicdem ang mga mananamapalataya na tulad ni Padre Pio, ay ilaan din ang kanilang puso sa paglilingkod sa Panginoon.

Ayon sa Pari, ang puso ni Padre Pio ay tulad din sa mga tao na dumaraan sa iba’t-ibang mga pagsubok at pasakit.

Sinabi ni Father Malicdem na ito ang dahilan kung bakit maraming mananampalataya ang lumalapit sa Santo sa pamamagitan ng pananalangin.

Aniya, ang puso ni Padre Pio na nakatalaga sa Diyos ang s’yang magdadala ng ating mga hinaing ,suliranin at maglalapit sa atin patungo sa Panginoon.

“Humingi tayo ng panalangin kay Padre Pio, kasi alam natin kahit noong nabubuhay pa s’ya napakabisa ng kan’yang panalangin. Maraming dumarayo sa kan’ya upang humingi ng kan’yang panalangin sapagkat alam natin na ang isang pusong nakatalaga sa Diyos, ay dinirinig ng Diyos, kaya sa paglapit natin sa kan’ya dalin natin yung mga hinaing ng ating puso, dalin natin yung mga dinadala natin sa ating buhay.” Dagdag pa ng Pari.

Ngayong Oktubre ay iikot sa Luzon, Visayas at Mindanao ang relikya ng puso ni Padre Pio.

Dadalhin ito sa Luzon sa ika-8 hanggang ika-11 ng Oktubr, kung saan naghanda ng mga aktibidad ang University of Santo Tomas at Manila Cathedral para sa mga mananampalatayang nais makibahagi at mag-alay ng panalangin.

Inaanyayahan naman ni Father Malicdem ang mga mananampalataya na samantalahin ang pambihirang pagkakataong ito upang makapag-alay ng panalangin sa relikya ng hindi naaagnas na puso ni Santo Padre Pio.

Nakakdang magbukas ng magdamag ang Manila Cathedral sa ika-9 hanggang ika-10 ng Oktubre upang mabigyang pagkakataon ang inaasahang dadagsang mga mananampalataya.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 16,894 total reads

 16,894 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 35,853 total reads

 35,853 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 64,224 total reads

 64,224 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 112,489 total reads

 112,489 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 134,578 total reads

 134,578 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 232,569 total reads

 232,569 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 25,273 total reads

 25,273 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 18,213 total reads

 18,213 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top