Enrile, Tinawag na singungaling

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 436 total reads

Kasinungalingan ang mga pahayag ni dating Senador Juan Ponce Enrile na walang hinuli at napatay sa panahon ng martial law ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon sa dating mambabatas na si Satur Ocampo, dokumentado ang bilang ng mga hinuli at napatay ng Task Force Detainees of the Philippines, Amnesty International at ilang international entities.

“Napakatalamak na pagsisinungaling ‘yan’” ayon kay Ocampo sa panayam ng Radio Veritas.

Ayon sa dating mambabatas, kinilala ng Kongreso ng bansa ang mga biktima ng martial law sa pamamagitan ng pagpasa ng batas.

“Dapat ang isipin ni Enrile na naging Senate president pa. Ipinasa ng Congress of the Philippines, Compensation and Recognition of Human Rights Violation Act na kumikilala sa higit ten thousand na victims na nagkasala ang Marcos Martial law regime,” ayon kay Ocampo.

Si Ocampo na isang aktibista ay kabilang din sa mga biktima ng martial law at nakulong sa panahong umiiral ang batas militar sa bansa.

“May batas na nagsasabi na totoo ang martial law, totoo ang paglabag sa karapatang pantao, yung mga pinatay, dinukot, tinorture at ang accountable diyan ay ang Marcos Government,” ayon pa kay Ocampo.

Iginiit ni Ocampo na isang pagpapatunay ang pagtatayo ng bantayog ng mga Bayani bilang pagpapaalala sa kagitingan ng mga naging biktima ng martial law.

Tinatayang aabot sa higit 3,000 ang napaslang, habang umaabot sa higit 75,000 indibidwal ang nakaranas ng pagpapahirap sa panahon ng batas militar.

Sa isang mensahe ni Pope Francis binibigyan halaga nito ang madilim na kasaysayan ng isang bansa lalu na sa mga nagbuwis ng buhay para sa kalayaaan- na nawa ay magsilbi itong aral upang patuloy na ipagtanggol ang katarungan at kasarinlan bilang ilaw ng pag-asa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 32,921 total reads

 32,921 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 259,571 total reads

 259,571 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 153,038 total reads

 153,038 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 247,068 total reads

 247,068 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 289,736 total reads

 289,736 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top