Pangulong Marcos, Architect ng Behest Loans

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 614 total reads

Dalawang beses na inaresto at nakulong ang aktibista at martial law victim na si dating Commission on Human Rights Loretta Ann Rosales.

Ayon pa kay Rosales, isa siya sa katibayan nang pag-iral ng batas militar sa panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Iginiit ni Rosales hindi rin totoo na gumanda ang ekonomiya ng bansa sa panahon ni Marcos sa halip ay bumagsak pa ang ekonomiya ng bansa.

“This is a global effort ang tawag nga noon ‘debt driven, export oriented, import dependent development paradigm that was what was imposed. Marcos you know absorbed this hook line… and that was the time we got into debt 600 million dollars ang utang nung panahon ng Marcos. When he left it was already 27 to 28 billion dollars kaya tayo nalubog nang nalubog sa utang,” ayon kay Rosales.

Panawagan pa ni Rosales sa mga kabataan na dapat nilang maintindihan na hindi lamang nangutang ng salapi si Marcos para tumulong sa ekonomiya ng Pilipinas kundi para sa sarili niyang interes at mga kaalyado o tinatawag na behest loans.

Hindi rin makapaniwala si Rosales sa mga pahayag ni dating Senate president Juan Ponce Enrile na walang inaresto at pinaslang noong Martial law.

Si Enrile na nagsilbi bilang dating defense minister sa ilalim ng Marcos administration na kumalas kasama si dating General Fidel V. Ramos na siyang naging simula ng People Power.

“I could not believe how could former senator Enrile could actually, totally go against what he had said earlier before and even go against their own behavior where they asked for help from Cardinal Sin to save them from Marcos and General Ver who were about to arrest them during that time,” ayon kay Rosales sa panayam ng Radio Veritas.

Pinaalalahanan naman ni Senator Aquilino Pimentel III ang mga guro na kabilang sa kanilang responsibilidad na ituro sa kabataan ang kasaysayan ng bansa maging ang masamang karanasan hinggil sa pag-iral ng martial law.

Dagdag pa ng mambabatas, ang kaniyang ama na si dating Senate President Aquilino Pimentel Jr. ay inaresto at apat na beses na nakulong noong batas militar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 128,420 total reads

 128,420 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 265,294 total reads

 265,294 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 381,069 total reads

 381,069 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 496,216 total reads

 496,216 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top