Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Wastong tugon para makamit ang kapayapaan

SHARE THE TRUTH

 150 total views

Mga Kapanalig, ginunita kahapon, ika-23 ng Setyembre, ang ika-46 na taóng anibersaryo ng pagsasailalim ng diktador na si Ferdinand Marcos sa buong bansa sa batas militar o martial law. Walang dapat ipagdiwang sa araw na iyon, ngunit mahalagang panatilihing nasa diwa nating lahat, lalo na sa mga kabataan, ang madilim na yugtong iyon sa ating kasaysayan. Sabi nga ng manunulat na si George Santayana, “Those who cannot remember the past are condemned to repeat it.”

Ngunit mukhang ganito nga ang nangyayari sa atin ngayon.

Halimbawa, may mga naniniwalang batas militar pa rin ang tutuldok sa problema natin sa kaguluhan sa kanayunan na ugat naman ng terorismo at rebelyon. At nangunguna ang admnistrasyong Duterte sa mga may ganitong pag-iisip. Sa gitna ng napakaraming isyung hinaharap natin araw-araw, huwag nating kalimutang umiiral pa rin ang martial law sa buong Mindanao. Una itong idineklara noong lusubin ng Maute group ang Marawi. At kahit pa sinabing “malaya” na ang lungsod sa banta ng Maute group matapos ang ilang buwang bakbakan, pinalawig pa ng pamahalaan ang martial law sa Mindanao hanggang sa katapusan ng taóng ito. Hindi tayo magtataka kung i-e-extend pa ito dahil nitong mga nakaraang linggo, sa kabila ng sinasabi ng administrayong bumaba ang krimen sa rehiyon dahil sa martial law, tatlong insidente ng pambobomba ang naganap sa ilang bayan roon. Nangyari ang pinakahuli sa labas ng isang botika sa General Santos City kung saan pitong tao ang nasugatan.

At dahil sa mga pambobombang ito, umiigting ang duda ng ilang kritiko kung may basehan nga ba ang pagdedeklara ng batas militar sa Mindanao. Katwiran minsan ng pamahalaan, mayroong rebelyon o pag-aalsa sa bahaging iyon ng ating bansa kaya may martial law. Kung minsan, ang sasabihin naman nila ay ang banta ng grupong ISIS. Ayon sa mga tutol sa martial law sa Mindanao—dala na rin marahil ng alaala ng malagim na pagpapatupad ng batas militar noong rehimeng Marcos—sapat nang dagdagan ang puwersa ng mga sundalo’t pulis kung nais lamang ng pamahalaang tugisin ang mga itinuturing na kaaway ng estado na nasa Mindanao. Ganito ang ginawa ng nakaraang administrasyon matapos ang masaker sa Mamasapano, Maguindanao.

Hindi rin nililinaw pa ng administrasyon kung bakit kailangang buong Mindanao ang isailalim sa martial law gayong sa ilang lugar lamang naganap ang anila’y rebelyon ng Maute o ang operasyon ng mga grupong kaanib ng ISIS, kung totoo mang naroon sila. Sa isang banda, maraming nagsasabi—mga naninirahan man o dayuhan—na wala namang kaguluhan sa mas malaking bahagi ng Mindanao, at sapat na ang paglalagay ng checkpoints ng pulis o militar sa mahahalagang daanan. Kumbinsido naman ang mga masugid na tagasuporta ng pangulo na mas mapayapa sa kanilang lugar dahil sa martial law; hindi siguro nila nababalitaan ang patuloy na karahasang nagaganap sa mga liblib na lugar na sanhi ng paglikas ng daan-daang pamilya.

Sa huli, nananatili ang tanong na: solusyon nga ba ang batas militar upang panatilihing mapayapa ang mga lugar sa Mindanao na may sigalot? Hindi ba’t ginamit din ni Marcos na dahilan ang banta ng mga komunista upang ideklara ang martial law noon?

Sa halip na kumiling sa militaristikong solsyon sa mga hidwaan at tunggalian, bakit hindi na lang tutukan ng pamahalaan ang unti-unting pagpapatupad ng Bangsamoro Organic Law? Bakit hindi na lang tugunan ang problema ng mga magsasaka at mangingisda upang magkaroon sila ng maayos na kabuhayan? Bakit hindi na lang buwagin ang mga naghahari-hariang angkan doon gayundin ang kanilang private armies?

Mga Kapanalig, sabi nga ni Pope Paul VI, “Kung hangad natin ang kapayapaan, papunyagian natin ang katarungan.” Sa madaling salita, kung namamayani ang katarungan sa isang lipunan, kapayapaan ang iiral sa mga pamayanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 7,842 total views

 7,842 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 20,982 total views

 20,982 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 26,955 total views

 26,955 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 32,710 total views

 32,710 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 39,972 total views

 39,972 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 7,843 total views

 7,843 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 20,983 total views

 20,983 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 26,956 total views

 26,956 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 32,711 total views

 32,711 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 39,973 total views

 39,973 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 41,190 total views

 41,190 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 36,571 total views

 36,571 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,575 total views

 48,575 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,617 total views

 56,617 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 48,174 total views

 48,174 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,599 total views

 46,599 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 48,385 total views

 48,385 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 45,310 total views

 45,310 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,624 total views

 59,624 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 63,314 total views

 63,314 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top