Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagkakaisa at pagtutulungan para sa Sambayanan ng Diyos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,267 total views

Ito ang layunin sa pagbukas ng National Laity Week ngayong taon alinsunod sa temang “The Laity in Solidarity with Clergy and Consecrated Persons Toward Social Transformation”.

Ayon kay Dr. Marita Wasan, National Chairperson ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, layon ng pagtitipon na palawakin ang pakikiisa at pakikipagtulungan ng mga layko sa mga pari, relihiyoso at mga nagtalaga ng buhay sa Panginoon.

“Aim ng Laiko ang makita sa mga Katoliko ang mukha at wangis ni Kristo at ito ay naisasabuhay.” Bahagi ng pahayag ni Wasan sa Radio Veritas.

Sa homiliya ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Clergy, tungkulin ng mga layko na magdasal, tumulong sa Simbahan at sumunod sa mga alituntuning itinakda ng mga pastol ng Simbahan.

Binigyang diin ng obispo na tungkulin ng mga pari ang magbigay ng aral sa mga layko at ang mga layko naman ang tutulong sa mga lider ng Simbahan upang maibahagi ang natutuhang aral sa kapwa lalo na ang mga hindi aktibo sa Simbahan.

Ibinahagi pa ni Bishop Famadico na pinalalawak ng kaniyang diyosesis ang mga programa na magpapalakas at magpapatatag sa ugnayan ng Simbahan at mananampalataya.

“Ang binibigyan namin [Diocese of San Pablo] ng pansin ang tinatawag na Kapitbahayang Katoliko sa pamilyang Kristiyano. Ang ginagawa namin, ang Simbahan bumubuo ng mga leaflets at ito ay dinidistribute sa mga pamayanan at naging gabay nila sa kanilang pananalangin.” pahayag ng obispo.

Sa tala ng pamunuan ng Sangguniang Layko ng Pilipinas higit sa isanlibo ang mga dumalo sa pagbubukas ng Linggo ng mga Layko na ginanap sa San Pablo Cathedral, San Pablo Laguna.

Kabilang sa mga Diyosesis na nakiisa ang Archdiocese ng Maynila, Dioceses ng Novaliches, Malolos, Olongapo, Baguio, at iba pa habang nakatakda naman ang pagtatapos ng pagdiriwang sa ika – 29 ng Setyembre na gaganapin sa Archdiocese ng Cagayan de Oro.

Patuloy ang paalala ng Simbahang Katolika sa mananampalataya na maging kaisa sa Simbahan sa pagpapalaganap ng Salita ng Diyos lalo’t laganap ang fake news at maling impormasyon sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

INTELIHENSIYANG POLPOL

 18,527 total views

 18,527 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 40,593 total views

 40,593 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Ang PAPA Leave Act

 56,289 total views

 56,289 total views Mga Kapanalig, maaaring magkaroon ng hanggang 105 araw na paid paternity leave ang mga tatay kapag maging batas ang House Bill No. 9891

Read More »

Hindi solusyon ang kriminalisasyon

 64,163 total views

 64,163 total views Mga Kapanalig, kabubukás pa lamang ng mga klase nitong Hunyo, sinusubok na agad ang ating mga paaralan ng mga insidente ng karahasan.  Noong

Read More »

APAT NA DEKADA

 126,952 total views

 126,952 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top