Hindi dapat Ipagdiwang ang Batas Militar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 637 total reads

Ito ang binigyang diin ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas at executive director ng Caritas Manila kaugnay sa paggunita ng deklarasyon ng Batas Militar sa bansa higit apat na dekada ang nakalipas.

“Ang Martial Law ay iligal, imoral at ito po ay hindi kalooban ng Diyos.” bahagi ng pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Iginiit ng pari na hindi dapat ipagdiwang ang deklarasyon ng Martial Law dahil ito ay isang uri ng kalamidad na likha ng tao.

Ipinaliwanag ni Father Pascual na ang nakalipas na batas militar ni dating pangulong Ferdinand Marcos ay isang madilim na kasaysayan sa mga Filipino dahil sa pag-iral ng iba’t ibang uri ng karahasan sa lipunan.

“Isang madilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas [Martial Law] na hindi na dapat maulit.” dagdag ni Fr. Pascual.

Dagdag ng pari magpahanggang ngayon ay nararanasan ng Pilipinas ang epekto ng Martial Law tulad ng patuloy na pag-iral ng korapsyon sa pamahalaan, pagpapatupad ng mga polisiya kahit na hindi nakasusunod sa Rule of Law at hindi paggalang sa Democratic structures ng gobyerno.

Binigyang diin ni Father Pascual na bilang Kristiyanong pamayanan ay hindi dapat pairalin ang batas militar sapagkat naniniwala ang mananampalataya sa Absolute Respect for Every Human Being” o ang paggalang sa lehetimong pamahalaan na gumagalang at nagpapahalaga sa demokrasya at dignidad ng bawat mamamayan.

Ika – 21 ng Setyembre 1972 ng lagdaan ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang Proclamation No. 1081 na nagdeklara ng Martial Law sa buong bansa.

Sa tala ng Amnesty International ay 70,000 katao ang iligal na inaresto, 34, 000 ang pinahirapan at higit sa 3, 000 ang napaslang ng mga otoridad.

Nauna nang iginiit ng mga lider ng Simbahang Katolika sa bansa na hindi dapat muling mangyari ang Martial Law lalo na ang mga karahasan na lubos nakakaapekto sa mamamayan partikular sa maliliit na sektor ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 29,347 total reads

 29,347 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 256,265 total reads

 256,265 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 149,732 total reads

 149,732 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 243,762 total reads

 243,762 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 286,617 total reads

 286,617 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top