Ang sukli sa mga magsasaka

SHARE THE TRUTH

 392 total views

Mga Kapanalig, kagimbal-gimbal ang kinahantungan ng isang mapayapang protesta ng mga magsasaka sa Kidapawan City sa probinsya ng Cotabato nitong nakaraang Linggo.

Una nang nagtipun-tipon sa harap ng opisina ng National Food Authority o NFA ang humigit-kumulang 6,000 magsasaka mula sa North Cotabato. Kanilang ipinanawagan ang agarang tulong ng pamahalaan dahil sa lumalalang epekto ng tagtuyot sa kanilang mga taniman. Ngunit sa halip na harapin at kausapin ang mga nagbabarikada, kasama ang mga militanteng grupong sumusuporta sa kanila, puwersahan silang itinaboy ng mga pulis. Gaya ng inaasahan, tumanggi ang mga magsasakang lisanin ang lugar, hanggang sa sumiklab ang karahasan. Nagpaputok ng baril ang mga pulis. Dalawang magsasaka ang agad na binawian ng buhay—isa dahil sa tama ng bala sa kanyang leeg, habang ang isa ay tinamaan ng bato sa ulo. Labintatlo ang sugatan. Tumakbo sa compound ng isang Methodist Church ang mga tao, at doon sila ay pinalibutan ng mga pulis.

Lumabag man ang mga nagpoprotesta sa patakaran ng mga pulis o hindi, malinaw sa pangyayaring ito ang maaaring sapitin ng mga magsasaka natin dahil sa kawalan ng kabuhayan at tumitinding gutom. Ang sinapit ng mga sakahan sa bahaging iyon ng Mindanao ay dahil sa matinding init na dala ng El Niño, bagay na tinutugunan umano ng ating gobyerno.

Lumabag man sila o hindi sa batas, sila man ang nagsimula ng gulo o ang kabilang panig, karahasan po ba ang igaganti natin sa mga magsasakang nagpapakahirap para magkaroon tayo ng pagkain sa ating mga hapag?

Ang mga panlipunang turo ng ating Simbahan ay nagbibigay po sa atin ng mga prinsipyo na maaaring gamiting batayan para suriin ang mga patakaran at programa ng pamahalaan para sa sektor ng agrikultura. Ang ginawa ng mga magsasaka ng Kidapawan ay isang paraan lamang para hingiin sa gobyerno ang nararapat para sa kanila bilang mga magsasaka at bilang mga Pilipino. Ang pabayaan silang kumain ng darak, gaya ng napapabalita, at malugmok sila sa depresyon dahil sa gutom ay malalim na sugat sa kanilang dignidad bilang mga tao.

Bilang mga magsasakang nag-aambag sa ating ekonomiya at sa pagkain ng populasyon, sila ay nararapat gawaran ng tinatawag nating “commutative justice,” ibig sabihin, ang ugnayan ng mga tao sa lipunan at ang kanilang pagbabahaginan ng biyaya sa isa’t isa ay dapat na makatarungan, dapat pantay-pantay. Kaugnay nito ang tinatawag naman nating “distributive justice,” kung saan ang mga benepisyo sa ating lipunan ay dapat na nakararating sa lahat, kasama ang mga dukha. Samantala, ang “social justice” naman ay tungkol sa pagbibigay ng pagkakataon sa lahat na paunlarin ang kanilang mga sarili at lipunang ginagalawan.

Ang United States Conference of Catholic Bishops of USCCB ay naghain ng mga gabay upang masuri natin kung ang mga umiiral na patakaran at ipinatutupad na mga programa para sa mga magsasaka at sa sektor ng agrikultura ay sumasang-ayon sa mga prinsipyong nabanggit. Halimbawa, maaari nating itanong: Nakatutulong ba ang mga patakarang ito para matugunan ang kagutuman at kahirapan lalo na sa kanayunan? Nagagawa ba ng mga itong bigyan ng sapat at disenteng buhay ang mga magsasaka at ang kanilang mga pamilya? Ang mga pinatutungkulan ba ng mga programa ng pamahalaan ay nabibigyan ng tunay na pagkakataon para linangin ang kanilang mga sarili at iangat ang kanilang kalagayan sa buhay?

Kung ang tugon ng pamahalaan sa mga hinaing ng mga magsasaka—lumabag man sila o hindi sa batas habang nagpoprotesta—ay karasahan, gaya ng nangyari sa Kidapawan, wala tayong maasahang malinaw na tugon sa mga tanong natin kanina. Nakalulungkot na ang gutom at kahirapan—hindi lamang sa Kidapawan kundi sa ating bansa—ay maaaring mauwi sa walang saysay na pagkamatay.
Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malnutrisyon

 7,673 total views

 7,673 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 12,035 total views

 12,035 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »

Trabaho sa kabila ng init

 22,627 total views

 22,627 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 30,851 total views

 30,851 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »

Permanent interests

 36,697 total views

 36,697 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 7,674 total views

 7,674 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 12,036 total views

 12,036 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 22,628 total views

 22,628 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 30,852 total views

 30,852 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 36,698 total views

 36,698 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 44,243 total views

 44,243 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 47,336 total views

 47,336 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 37,041 total views

 37,041 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 37,929 total views

 37,929 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 53,232 total views

 53,232 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 65,641 total views

 65,641 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 59,985 total views

 59,985 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 61,191 total views

 61,191 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 71,182 total views

 71,182 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 56,567 total views

 56,567 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top