Republika ng sugalan?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 670 total reads

Mga Kapanalig, noong isang linggo, nagpalabas ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP sa pamumuno ni Arsobispo Socrates Villegas ng Lingayen-Dagupan, ng isang pahayag tungkol sa money laundering at sa pagsusugal, partikular na sa lumalaking industriya ng casino sa bansa. Ito ay bilang reaksyon sa 81 million-dollar money laundering controversy na kinasangkutan ng isang kilalang bangko at ilang mga negosyanteng nagpapatakbo ng malalaking pasugalan sa ating bansa. Patuloy ang pagdinig ng Senado tungkol dito.

Kung mayroon mang positibong kinahinatnan ang kontrobersiya, ito ay ang nakita natin ang mga butas sa batas patungkol sa money laundering at sa kalakaran ng mga bangko. Kabilang sa mga napansing butas ay ang pagiging exempted ng mga casino na masilip ng Anti-Money Laundering Council o AMLC ang mga transaksyon ng mga nito. Ipinaliwanag ng Executive Director ng AMLC na si Vicente Aquino sa pagdinig sa Senado na maituturing na laundering ang pagbili ng chips sa mga casino kung muling ipapalit ang mga ito ng cash o salapi nang hindi nagamit sa paglalaro. Kaya’t iminungkahi ng AMLC na masakop sa batas ang mga transaksyon sa loob ng mga casino. Kailangang maisaayos ng Kongreso ang mga mga butas sa batas para hindi na maabuso pa.
Pagbabago rin ang ipinapahayag sa dokumento ng CBCP na pinamagatang “Money Laundering in the Gambling Republic”. Kinukondena sa pahayag ang industriya ng “government-sanctioned gambling” sa ating bansa na, gaya ng natuklasan natin, maaring maging instrumento sa money laundering. At habang maaaring makalusot sa mga batas laban sa money laundering, patuloy lamang itong gagamitin ng mga mapagsamantala. Kaya nga matinding tinutulan ng CBCP ang patuloy na pagpapatakbo ng mga casino.

Ngunit may mas na malalim na dahilan kung bakit kinukondena ng CBCP ang mga casino. Ayon sa dokumento, hinihimok ng mga casino ang mga taong mamuhay na para bang wala silang dapat panagutan sa buhay. Hindi lingid sa atin ang mga kuwento tungkol sa mga lulong sa pagsusugal na nasisira ang kabuhayan at nawawasak ang pamilya at sariling buhay. Ayon pa kay Archbishop Soc, ang paglikha ng isang lipunan ng pag-ibig at buhay—a civilization of life and love, sa Ingles—ay hindi lamang hangarin natin sa Simbahan. Pananagutan po ito ng bawat Katoliko. Ang anumang magwawasak sa pagkakamit ng isang lipunan ng pag-ibig at buhay—gaya ng pagkalulong sa pagsusugal—ay labag sa turo ng Simbahan at sa kalooban ng Diyos.

Sa puntong ito, kinakailangang maipaliwanag na hindi kaagad itinuturing ng Simbahang Katoliko na lantarang masama, o “intrinsically evil”, ang pagsusugal. Ayon sa Catechism of the Catholic Church, at sa turo na rin ni Archbishop Soc, may mga pamantayang dapat siyasatin kung moral o imoral ang pagsusugal at pagpapasugal. Para masabing moral, hindi dapat ito A-C-E: addictive, corruptive, o exploitative.

Una, hindi dapat addictive. Ang pagsusugal ay hindi dapat nauuwi sa pagkalulong sa bisyo na maaaring humantong sa pagpapabaya sa mga anak dahil sa paglustay ng salaping dapat sana ay para sa kanilang pagkain at pag-aaral.
Ikalawa, hindi dapat ito corruptive. Hindi dapat ito magturo ng katamaran, pagsisinungaling, pandaraya, at pakipagsabwatan sa katiwalian.

At panghuli, hindi dapat ito exploitative o nagsasamantala sa karupukan, kahinaan, at kalagayan ng kapwa, lalo’t higit ng mga dukhang dahil sa kawalan ng pag-asa ay napipilitang umasa sa tsamba.
ACE addictive, corruptive, exploitative.
Mga Kapanalig, sa pagsiyasat kung masama nga ba ang pagsusugal gamit ang mga pamantayang ito sa kasalukuyang katayuan ng bansa, minabuti ng mga minamahal nating mga obispo na ipalaganap sa mga Pilipinong Katoliko na ang pagsusugal ay labag sa turo ng Simbahan at taliwas sa utos ng Diyos. Huwag po nating hayaang maging “gambling republic” ang ating bayan.
Sumainyo ang katotohanan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 10,821 total reads

 10,821 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 66,501 total reads

 66,501 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,867 total reads

 151,867 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 198,603 total reads

 198,603 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 246,475 total reads

 246,475 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 347,152 total reads

 347,152 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 66,503 total reads

 66,503 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 151,869 total reads

 151,869 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 198,605 total reads

 198,605 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 246,477 total reads

 246,477 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top