Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panggigipit ng GSIS sa mga guro, pinapaimbestigahan sa Kongreso

SHARE THE TRUTH

 428 total views

Umaapela sa mga mambabatas ang Teachers’ Dignity Coalition upang imbestigahan ang sinasabing panggigipit ng Government Service Insurance System (GSIS) sa mga guro na mayroong utang sa Institusyon.

Ayon kay TDC-NCR Chairman Ildefonso Enguerra III, ang deadline na ibinigay ng GSIS sa mga guro upang mabayaran ang kanilang utang hanggang sa unang araw ng Oktubre ang pangunahing kinahaharap na problema sa ngayon ng mga guro sa bansa partikular na sa National Capital Region.

Ipinaliwanag ni Enguerra na naiipit lamang ang mga guro sa magulong sistema ng pagpapautang at paniningil sa ilalim ng Automatic Payroll Deduction System (APDS) na ipinatupad ngayong taon na nagpapalobo sa interes ng utang.

“Ang number 1 naming kinahaharap dyan ay yung deadline ng GSIS, nagbigay sila ng deadline na dapat magbayad ang mga guro ng kanilang mga utang, ang binigay nilang deadline ay hanggang October 1 nalang, pinalobo niyo ang interest ngayon sasabihin niyo kasalanan ng guro…” pahayag ni Enguerra sa panayam sa Radyo Veritas.

Dahil dito, mariin ang panawagan ng Teachers’ Dignity Coalition upang makipagdayalogo sa Department of Education na kanilang Mother Agency upang matalakay ang naturang usapin at sila ay magabayan.

Sa tala ng TDC, sa 26,000 na gurong nagretiro noong nakalipas na taon ang wala nang natanggap o nakuhang benepisyo dahil sa utang ng mga ito sa GSIS.

Binibigyang diin ng Simbahan na kinakailangang kasabay ng pagpapatatag sa sistema ng edukasyon sa bansa ay ang pagkalinga sa kapakanan ng mga guro.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tunay na boses ng kabataan

 11,191 total views

 11,191 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 21,733 total views

 21,733 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

Dadanak ang dugo?

 30,173 total views

 30,173 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 5:5-7, kinasusuklaman ng Diyos ang mga mamamatay-tao, manlilinlang, at sinungaling. Ang ating Panginoon ay Diyos ng katotohanan

Read More »

ICC TRIAL

 46,105 total views

 46,105 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 53,336 total views

 53,336 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle, pangungunahan ang PCNE XI

 4,962 total views

 4,962 total views Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Bagong Santo Papa, nasa puso ang mahihirap

 4,925 total views

 4,925 total views Naniniwala si Jesuit Communications executive director Rev. Fr. Emmanuel Alfonso, SJ na sinasalamin ng napiling pangalan ng Santo Papa ang kanyang magiging paraan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top