Pakikinig at taimtim na pagninilay, pambihirang katangian ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

 9,473 total views

Naniniwala si Filipino Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro-Prefect of the Dicastery for Evangelization na malaki ang maitutulong ng mga nakalipas na karanasan sa pagmimisyon ni Pope Leo XIV sa kanyang paglilingkod bilang punong pastol ng Simbahang Katolika.

Sa naging panayam ni Cardinal Tagle sa Vatican News ay ibinahagi ng Cardinal na malaki ang maaring maitutulong ng pagiging lantad ni Pope Leo XIV sa tunay na sitwasyon sa lipunan bilang gabay sa kanyang pamumuno sa mahigit 1.4 na bilyong Katoliko sa buong mundo.

Ayon sa Cardinal, mahalaga ang mga karanasan at pagiging mulat sa mga nagaganap sa lipunan ng mga lingkod ng Simbahan upang higit na maging epektibo sa pagpapastol sa kawan ng Panginoon.

“Without denying the primacy of grace in the ministry of Pope Leo, I believe that his human, cultural, religious and missionary background will give a unique face to his ministry. But this is true of all Popes. The Petrine ministry of strengthening brothers and sisters in the faith in Jesus, the Son of the living God, remains the same—but each Pope lives and exercises it through his unique humanity. Pope Leo’s multi-continental and multi-cultural background will surely help him in his ministry and benefit the Church.” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle sa Vatican News.

Tiniyak naman ni Cardinal Tagle ang buong pagmamahal at pakikiisa ng mga Katoliko sa Asya na tuwinang buo ang pagsuportang ibinibigay sa bawat Santo Papa na nagsisilbing punong pastol ng Simbahang Katolika.

Pagbabahagi ng Cardinal, ang Santo Papa ay hinahangaan at minamahal hindi lamang ng mga Katoliko kundi maging ng mga Kristiyano mula sa ibang denominasyon at iba pang mga relihiyon.

“The people of Asia love the Pope as Pope, whichever country he comes from. He is loved not only by Catholics, but also by other Christians and followers of non-Christian religions.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Paliwanag ni Cardinal Tagle, batay sa kanyang pagkakakilala kay Pope Leo XIV noong ito ay Prior General pa ng Order of St. Augustine ay may pambihirang kapasidad ang bagong Santo Papa upang maging bukas sa pakikinig at taimtim na magnilay bago magdesisyon kaugnay sa mahahalagang bagay at usapin.

Pagbabahagi ng Cardinal una niyang nakilala si Pope Leo XIV sa Maynila at sa Roma hanggang sila ay maging magkatrabaho sa Roman Curia noong 2023.

“I first met Pope Leo XIV in Manila and in Rome when he was still the Prior General of the Order of St. Augustine. We worked together in the Roman Curia starting in 2023. He has a deep and patient capacity for listening and engages in careful study and reflection before making a decision. The Pope expresses his feelings and preferences without imposing them. He is intellectually and culturally well-prepared, but without showing off. In his relationships, Pope Leo brings a calm warmth, shaped by prayer and missionary experience.” Ayon pa kay Cardinal Tagle.

Kaugnay nito sa ginanap na Inauguration Mass para sa pagiging opisyal na ika-267 na Santo Papa ni Pope Leo XIV ay personal na inihandog ni Cardinal Tagle ang “Fisherman’s Ring” na simbolo ng otoridad at paghalili ni Pope Leo XIV kay San Pedro, ang unang Santo Papa at mangingisda mula Galilea na pinili ni Hesus upang pangunahan ang Simbahan.

Ipinagkaloob naman ni Cardinal Protodeacon Dominique Mamberti ang pallium, isang puting balabal na gawa sa lana na kumakatawan sa tungkulin ng Papa bilang Obispo ng Roma, habang pinamunuan naman ni Cardinal Fridolin Ambongo Besungu ng Kinshasa ang panalangin matapos ang paggawad ng pallium at bago ang pagbibigay ng singsing.

Sina Cardinal Tagle, Mamberti, at Ambongo ang nagsilbi ring mga kinatawan sa kontinente ng Asya, Europa, at Africa sa makasaysayang pagdiriwang sa pagsisimula ng pontipikado ng ika-267 Santo Papa ng Simbahang Katolika.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 12,611 total views

 12,611 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 27,255 total views

 27,255 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 41,557 total views

 41,557 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 58,269 total views

 58,269 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 104,220 total views

 104,220 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top