Babaeng nagpapatigil ng quarry sa Naga Cebu, hindi nawawala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 756 total reads

Tiniyak ng Environmental group na ‘Pusyon ng Kinaiyahan’ na nasa ligtas ng lugar si ‘Sheila Eballe’ ang babaeng hiniling kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang ‘quarrying’ sa Naga City, Cebu.

Si Eballe ay hindi na nakabalik sa evacuation center matapos na magreklamo sa Pangulo na ikinabahala ng kaniyang mga kaanak.

Ayon kay Bro. Tagoy Jakosalem ng Pusyon ng Kinaiyahan, humingi ng tulong si Eballe dahil na rin sa panganib sa kanyang buhay matapos magsabi ng katotohanan.

“She is safe right now, under custody ng mga religious at the same time she is in the sanctuary. Ang message po ni Shiela when we ask her ‘I fear for my safety now because they are looking for me. I was first alerted that the security personnel of Apo cement were looking for me,’ yan po ang message niya,” ayon kay Jakosalem.

Sa pahayag ni Eballe sa Pangulo, sinabi nitong hindi bagyo ang sanhi ng mga pagguho ng lupa sa Naga City na kumitil sa buhay ng marami kundi ang ‘quarrying’ ng Apo Cement sa kanilang lugar.

“Ang kaso po ng Naga City ay clear case of negligence. At makikita natin ang outmost dependency on mining ng ating mga local government,” ayon kay Jakosalem.

Tiniyak din ng grupo ang pagsasampa ng kaso laban sa nag-abuso sa kalikasan na dahilan ng malawakang pagguho ng lupa.

“Ang hakbang po ngayon ng community is really to file case. At least ngayon meron tayong mga volunteer lawyers led by Atty. Ben Cabrede isang environmental lawyer,” dagdag pa ni Jakosalem.

Ayon kay Jakosalem halos buong lungsod ng Naga ay may quarry operation na hindi na inaalintana ang mga buffer zone.

Sa Naga City, 72 katao na ang kumpirmadong nasawi habang higit sa 20 pa ang nawawala.

Tinatayang higit na rin sa pitong libo katao ang inilikas na residente dulot ng panganib sa mga posible pang pagguho ng lupa.

Mariing kinondena ng Simbahang Katolika ang pagmimina at pagsira sa kalikasan na dahilan ng malawakang landslide sa Itogon Benguet at Naga City, Cebu na sanhi ng pagkasawi ng mga naninirahan sa lugar.

Sa Itogon, Benguet una na ring tinapos ang retrieval operations habang may 73 na ang mga nahukay na katawan at apat pa ang nawawala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 119,028 total reads

 119,028 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 256,544 total reads

 256,544 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 372,320 total reads

 372,320 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 488,010 total reads

 488,010 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top