Isulong ang Karapatan ng Kalikasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 916 total reads

Ito ang pangunahing layunin ng nagsama-samang grupo na pinangungunahan ng Philippine Misereor Partnership Incorporated at CBCP-NASSA/Caritas Philippines sa paglunsad ng Rights of Nature campaign upang maipagtanggol ang kalikasan mula sa mapanirang mga indibidwal.

Ayon kay Yolly Esguerra, National Coordinator ng PMPI, magkakaroon ng malawakang education campaign sa buong bansa upang mauunawaan ng tao na ang kalikasan ay hindi lamang tulad ng isang bagay na pagkakitaan kundi tulad din ng tao na may mga karapatan na dapat ipaglaban.

“Gusto natin bumuo ng isang movement na malawak kung saan ‘yung advocacy ng Rights of Nature ay maitulak. Ang gusto kasi nating mangyare ay maging rights bearing at magkaroon ng karapatan, na parang Human Rights, may Nature Rights din. So you cannot destroy them o galawin sila immediately at pwede silang mag file ng case as represented ng communities or advocates na katulad natin.” pahayag ni Esguerra sa Radio Veritas.

Isinusulong ngayon ng grupo ang paglikha ng batas para maparusahan ang sinumang sumisira sa kalikasan tulad ng pagmimina at quarry para mabigyan ng katarungan ang kapaligiran.

Magugunitang sa nangyaring landslide sa Itogon Benguet na ikinasawi ng higit sa 60 indibidwal at sa Naga City Cebu na ikinasawi ng 72 katao, pagmimina at quarry ang itinuturong dahilan.

Ang launching na isinagawa sa Aroceros Park sa Maynila noong ika – 29 ng Setyembre ay dinaluhan ng halos isandaang indibidwal mula sa mga Parokya, at grupong makakalikasan tulad ng Green Peace Philippines at Association of Major Religious Superiors of the Philippines.

Batay sa ensiklikal na Laudato Si ni Pope Francis, hinimok nito ang bawat mananampalataya na maging kaisa sa pangangalaga ng kalikasan upang mapakikinabangan pa ng susunod na henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 27,655 total reads

 27,655 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 254,706 total reads

 254,706 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 148,173 total reads

 148,173 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 242,203 total reads

 242,203 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 285,142 total reads

 285,142 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top