Pangulong Duterte, kailangang managot sa crime against humanity

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 562 total reads

Umaasa ang Promotion of Church Peoples Response (PCPR) na ang personal na pag-amin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng kanyang kasalanan kaugnay sa Extra Judicial Killings sa bansa ay makatulong upang tuluyang imbestigahan ng International Criminal Court ang crime against humanity ng administrasyong Duterte.

Ito ang inihayag ni PCPR spokesperson Nardy Sabino sa kontrobersyal na pag-amin ni Pangulong Duterte.

Iginiit ni Sabino na napakahalaga para sa kapamilya ng mga biktima na nasawi sa war on drugs ng pamahalaan ang naging pag-amin ni Pangulong Duterte na siyang may kasalanan sa hindi maabatang EJK sa bansa.

“Mahalaga sa amin yun lalo na sa mga biktima kasi siya mismo ay umaamin, nahuhuli sa bibig yung salarin, umaasa kami na lahat ng yun mula doon sa IPT, yung pag-amin ni Pangulong Duterte ay makakadagdag ng substance at saka ng merito doon sa pagdidesisyon ng prosecutor para imbestigahan na si Pangulong Duterte hinggil sa kanyang kasalanan, yung crime against humanity…” pahayag ni Sabino sa panayam sa Radyo Veritas.

Inihayag ni Sabino na ang pag-amin sa publiko ni Pangulong Duterte ay isang malinaw na patunay na tama ang guilty verdict ng International People’s Tribunal (IPT) hinggil sa mga paglabag sa karapatang pantao ng Duterte administration.

Bukod dito, naaangkop lamang ang naging pag-amin ni Pangulong Duterte sa inihaing kaso sa International Criminal Court hinggil sa mga pang-aabuso sa karapatang pantao sa bansa.

Gayunpaman, inaasahang isusumite ang naturang hatol at findings ng International People’s Tribunal (IPT) sa United Nations Human Rights Council, European Parliament at International Criminal Court sa The Hague kung saan mayroong inihaing kaso laban sa Pangulo.

Sa tala mismo ng Philippine National Police, umaabot na sa mahigit 20-libong indibidwal ang bilang ng mga napatay sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte na nagsimula noong 2016.

Kaugnay nito, umaasa si CBCP Vice President Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na pagsisihan ni Pangulong Duterte ang kanyang mga kasalanan matapos niyang aminin sa publiko ang kanyang pagkakasala kaugnay sa Extra Judicial Killings sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 26,603 total reads

 26,603 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 253,731 total reads

 253,731 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 147,198 total reads

 147,198 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 241,228 total reads

 241,228 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 284,226 total reads

 284,226 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top