Katapatan, mahalaga sa mag-asawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,052 total reads

Pinaalalahanan ng isang Obispo ang bawat mag-asawa ang kahalagahan ng katapatan sa buhay may asawa.

Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, dapat mangingibabaw ang pagmamahalan ng tao sa buhay pag-aasawa.

“First, marriage should be for and with love, not for convenience nor just for companionship in old age.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na dapat isaisip ng mamamayan na ang pag-aasawa ay isang sakramento at kaakibat nito ang malaking responsibilidad na dapat magampanan ng mag-asawa.

“Marriage is always fidelity, to promote life and to fulfill each one happiness.” ani ng Obispo.

Ito ang pahayag ng Obispo kaugnay sa Filipina na pinaslang ng asawang Swedish national sa Stockholm, Sweden noong ika – 23 ng Setyembre.

Binigyang diin ni Bishop Santos, na siyang Chairman ng CBCP–Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People’s na kahit magkakaiba ng lahi at kultura ay mahalagang isaalang-alang ng mga Filipino ang pagpili ng mapapangasawa upang matiyak ang tunay damdamin ng bawat isa.

Samantala, inihayag ng Obispo na may mga Simbahan sa Sweden at Malmo na pinangangasiwaan ng mga Filipinong pari.

Ito ay sina Rev. Fr. Francisco Herrera, Rev. Fr. Felipe Baldostamon at ang apat na Filipinong paring misyonero ng Congregation of the Passion sa Linkoping, Sweden na maaring makatutulong sa mga panahong nakararanas ng mga suliraning ispirituwal ang mga OFW.

Tiniyak naman ng Department of Foreign Affairs ang pagtulong sa pamilya ni Mailyn Conde Sinambong na makamit ang katarungan para sa biktima at tuluyang mapanagot sa batas ang asawang suspek na si Steve Aron Bakre Aalam.

Sa tala ng pamahalaan halos nasa 20 libo lamang ang mga Filipinong naninirahan sa nasabing bansa.

Una nang kinilala ng Simbahang Katolika ang papel na ginagampanan ng mga OFW sa paglago ng Ekonomiya at ng pamumuhay ng bawat pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 27,641 total reads

 27,641 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 254,692 total reads

 254,692 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 148,159 total reads

 148,159 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 242,189 total reads

 242,189 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 285,128 total reads

 285,128 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top