Simbahan, hindi balakid sa pag-unlad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,201 total reads

Mahalaga ang pakikipag-usap at pagtutulungan para sa ikauunlad ng lipunan.

Ito ang binigyang diin ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education hinggil sa binabalak ng pamahalaan na exchange program sa pagitan ng Pilipinas at Israel na layong mapalakas ang sektor ng agrikulutra sa bansa.

Ayon sa Obispo, hangarin ng Simbahang Katolika na magkaisa ang bawat bansa tungo sa paglago ng pamayanan at ng mga nasasakupan.

“Ang simbahan ay palaging bukas sa larangan ng dialogue at pakikipagtulungan para sa kaunlaran sa lahat ng larangan.” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Napag-usapan nina Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III at Israeli Ambassador to the Philippines Ephraim Ben Matityau ang pagpapalawak ng people to people exchange ng dalawang bansa upang pag-aralan ang pagpapalago ng sektor ng agrikultura at financial system na makatutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Kilala ang Israel na may maunlad na sektor ng agrikultura sa kabila ng malawak na disyerto sa nasabing bansa lalo na ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa patubig o irrigation system.

Giit naman ni Bishop Mallari dapat kapwa maghatid ng pag-unlad ang nasabing programa para higit na matulungan ang kapakanan ng mamamayang nasasakupan ng dalawang bansa.

“Huwag natin sabihin na may matutuhan tayo sa kanila kundi tayo rin ay may malaking maiihahandog sa kanilang paglago.” dagdag ng obispo.

Una nang nananawagan ang iba’t ibang grupo sa Pilipinas na palawakin ang pagpapaunlad sa sektor ng agrikultura sa bansa upang mawakasan ang kakapusan at mataas na presyo ng mga produktong pang-agrikultura tulad ng bigas at gulay.

Isa ang Pilipinas sa tinaguriang agricultural country sa Asya sapagkat higit pitong milyong ektarya ang lupang sakahan dito batay sa tala ng Philippine Statistics Authority – Country STAT Philippines.

Sa pahayag noon ni Batanes Bishop Danilo Ulep, hinimok ang bawat mamamayan na palakasin ang lokal ng produksyon ng pagkain dahil ito ang bukod tanging paraan na manatiling sapat ang suplay sa komunidad.

Read: Huwag umasa sa mga produktong inaangkat

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 25,963 total reads

 25,963 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 106,196 total reads

 106,196 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 200,422 total reads

 200,422 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 260,911 total reads

 260,911 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 273,464 total reads

 273,464 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 36,983 total reads

 36,983 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top