Pelikulang “An Interview with God, umani ng papuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 543 total reads

Pinuri ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice-President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, ang pelikulang “An Interview with God”.

Ayon sa Obispo, napakaganda at malikhain ang ipinakitang konsepto sa pelikula kung saan naipakita ang tunay na katanungan ng mga pangkaraniwang tao at ang mga suliraning pinagdadaanan ng bawat indibidwal.

“I didn’t expect it to be exciting, akala ko makakatulog ako pero it was really gripping, napaka imaginative nung nag produce noon, because he was able to put in yung mga tunay na questions ng mga tao ngayon.Siguro kung may Filipino version n’yan that would be nice.” pahayag ng Obispo.

Dagdag pa nito, isa sa karaniwang suliranin na naipakita sa pelikula ay ang depresyon na kinakaharap din ng napakaraming tao.

Kasama na ang kawalang pag-asa, ang pagtanggi sa pangangailangan nito ng tulong, at ang pagkabulag ng tao sa pagmamahal na ipinakikita at ipinadarama ng Diyos.

“Sa sitwasyon natin ngayon, napakaraming mga tao who are going through depression, nawawalan ng pag-asa sa buhay na walang duda kailangan nila ang Diyos. Pero kung minsan kailangan nilang aminin na kailangan nila ang Diyos. Kung minsan ang tao nagkukunwaring, “kaya ko naman, ganun ang dating ng mama dun sa pelikula. Ang Diyos na yung nangungulit, “nandito ko para sayo”, tapos pilit n’yang ini-snob yung Panginoon,” paliwanag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Dahil dito, ipinaalala ni Bishop David na tulad din ng ipinakita sa pelikula ay tunay na laging nariyan ang Panginoon para sa bawat tao.

Sinabi ng Obispo na kinakailangan lamang na matuto tayong makinig at makita ang mga senyales na ipinamamalas ng Diyos at magising sa katotohanan kung saan tayo nais dalhin ng Panginoon.

“Nand’yan lang ang Panginoon – He cares. May mga moments of awakening din at yun ang tuwang-tuwa ako kung papaano n’ya dinala doon sa “this is a sign.” Awakening na, napakabulag ko naman, ito pala, dito pala N’ya ako dinadala, and I keep running away from Him.” Dagdag pa ng Obispo

Ang ipinalabas na “An Interview with God” sa Cinema 6 ng Trinoma Mall Quezon City ay Special Screening na bahagi ng nalalapit na gintong anibersaryo ng Radio Veritas sa taong 2019 sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng himpilan sa Pioneer Films.

Kabilang sa mga dumalo sa special screening sina Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Radio Veritas Vice President Father Bong Bongayan, Radio Veritas Vice President for Operations Father Roy Bellen, at Veritas Asia General Manager Father Vic Sadaya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 26,640 total reads

 26,640 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 106,817 total reads

 106,817 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 201,043 total reads

 201,043 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 261,532 total reads

 261,532 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 274,059 total reads

 274,059 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 374,762 total reads

 374,762 total reads “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top