Babaeng nagpapatigil ng quarry sa Naga Cebu, hindi nawawala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 711 total reads

Tiniyak ng Environmental group na ‘Pusyon ng Kinaiyahan’ na nasa ligtas ng lugar si ‘Sheila Eballe’ ang babaeng hiniling kay Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil ang ‘quarrying’ sa Naga City, Cebu.

Si Eballe ay hindi na nakabalik sa evacuation center matapos na magreklamo sa Pangulo na ikinabahala ng kaniyang mga kaanak.

Ayon kay Bro. Tagoy Jakosalem ng Pusyon ng Kinaiyahan, humingi ng tulong si Eballe dahil na rin sa panganib sa kanyang buhay matapos magsabi ng katotohanan.

“She is safe right now, under custody ng mga religious at the same time she is in the sanctuary. Ang message po ni Shiela when we ask her ‘I fear for my safety now because they are looking for me. I was first alerted that the security personnel of Apo cement were looking for me,’ yan po ang message niya,” ayon kay Jakosalem.

Sa pahayag ni Eballe sa Pangulo, sinabi nitong hindi bagyo ang sanhi ng mga pagguho ng lupa sa Naga City na kumitil sa buhay ng marami kundi ang ‘quarrying’ ng Apo Cement sa kanilang lugar.

“Ang kaso po ng Naga City ay clear case of negligence. At makikita natin ang outmost dependency on mining ng ating mga local government,” ayon kay Jakosalem.

Tiniyak din ng grupo ang pagsasampa ng kaso laban sa nag-abuso sa kalikasan na dahilan ng malawakang pagguho ng lupa.

“Ang hakbang po ngayon ng community is really to file case. At least ngayon meron tayong mga volunteer lawyers led by Atty. Ben Cabrede isang environmental lawyer,” dagdag pa ni Jakosalem.

Ayon kay Jakosalem halos buong lungsod ng Naga ay may quarry operation na hindi na inaalintana ang mga buffer zone.

Sa Naga City, 72 katao na ang kumpirmadong nasawi habang higit sa 20 pa ang nawawala.

Tinatayang higit na rin sa pitong libo katao ang inilikas na residente dulot ng panganib sa mga posible pang pagguho ng lupa.

Mariing kinondena ng Simbahang Katolika ang pagmimina at pagsira sa kalikasan na dahilan ng malawakang landslide sa Itogon Benguet at Naga City, Cebu na sanhi ng pagkasawi ng mga naninirahan sa lugar.

Sa Itogon, Benguet una na ring tinapos ang retrieval operations habang may 73 na ang mga nahukay na katawan at apat pa ang nawawala.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 29,369 total reads

 29,369 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 256,287 total reads

 256,287 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 149,754 total reads

 149,754 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 243,784 total reads

 243,784 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 286,637 total reads

 286,637 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top