Pagbisita ng Incorrupt Heart of St.Padre Pio, espesyal na biyaya sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 486 total reads

Ang pagbisita sa bansa ng “Incorrupt Heart” of Saint Padre Pio ay isang espesyal na biyaya para sa mga Filipino.

Ito ayon kay Diocese of Imus Bishop Reynaldo Evangelista, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs dahil nataon ang Nationwide Tour ng Incorrupt Heart of Saint Padre Pio sa Centenaryo ng pagtanggap ni St. Padre Pio ng mga sugat ni Hesus o ang Stigmata at ang ika-50 taong anibersaryo ng pagpanaw ni Santo Padre Pio noong 1968.

Dahil dito, umaasa ang Obispo na makapagbigay inspirasyon at mapalakas pa sa buhay pananampalataya ng mga Filipino ang pambihirang pagbisita sa bansa ng hindi naaagnas na puso ni Santo Padre Pio.

“Isang napakalaking biyaya, espesyal na biyaya ito para sa ating bansa at ngayon ngang 2018 na ito ay pa-100 taon ng Stigmata ni San Padre Pio at pa-50 taon ng kanyang kamatayan kaya talagang yung kanyang pagiging kaisa natin ay ang puso niya ay narito ngayon ay talagang lalong magbigay inspirasyon sa atin at magpalakas ng ating buhay pananampalataya…” pahayag ni Bishop Evangelista.

Umaasa rin ang Obispo na tunay na maisabuhay ng mga debotong nagsakripisyo at matiyagang pumila sa public veneration ng Incorrupt Heart of Saint Padre Pio ang pamumuhay ng may kabanalan.

“Sana ang pagsasakripisyong ito ng marami nating mga kapatid na nagbibigay paggalang, nagbi-venerate sa Heart Relic ni San Padre Pio ay mag-antig din sa kanilang kalooban para mamuhay talaga sa kabanalan na isinabuhay din ng ating Santo na talagang walang question, walang pwedeng pasubali sa kanyang pagmamahal sa Diyos, paglilingkod sa kapwa at talagang malalim na pakikipag-ugnay…” dagdag ni Bishop

Kaugnay nito, batay sa tala sa unang araw ng pagbisita ng Incorrupt Heart ni Saint Padre Pio sa National Shrine of Saint Padre Pio sa Sto. Tomas, Bantangas ay umabot sa 40,000 mga mananampalataya ang dumagsa sa public veneration.

Habang sa pakikipag-ugnayan naman ng Manila Cathedral sa Intramuros Administration, tinatayang aabot sa 120,000 hanggang 160,000 ang bilang ng mga debotong nakibahagi sa 2-araw na public veneration ng Incorrupt Heart ni St. Padre Pio.

Samantala, ipinagdiwang naman noong September 20, 2018 ang Centenaryo ng pagtanggap ni Padre Pio sa mga sugat ni Hesus o ang Stigmata at September 23, 2018 naman ginunita ang ika-50 taong anibersaryo ng pagpanaw ni Padre Pio na namatay noong taong 1968.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 77,632 total reads

 77,632 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 125,297 total reads

 125,297 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 173,168 total reads

 173,168 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 277,115 total reads

 277,115 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 359,598 total reads

 359,598 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top