“Respect for human rights begins at home”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 709 total views

Mga Kapanalig, nanatili ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council o UNHRC. Isa tayo sa 47 bansang miyembro ng konsehong ang pangunahing tungkulin ay itaguyod at ipagtanggol ang lahat ng karapatang pantao sa buong mundo.

Hatî ang marami kung paano tatanggapin ang balitang ito.

Para sa pamahalaan, ang pagkakapili sa Pilipinas na maging bahagi ng UNHRC ay pagkilala raw ng international community sa pangangalaga natin sa karapatang pantao. Sabi pa ng bagong tagapagsalita ng pangulo, patunay daw itong tama ang paraan ng paglaban ng pamahalaan sa ilegal na droga na aniya’y isang “dragon of destruction.” Pagmamalaki pa niya, pinatotohanan ng pananatili natin sa UNHRC ang pagiging epektibo ng kampanya ng administrasyong Duterte laban sa droga, katiwalian, at kriminalidad upang protektahan ang karapatan sa buhay, kalayaan, at pagmamay-ari ng mga mamamayang sumusunod sa batas at nagmamahal sa kapayapaan. Anong tingin mo rito, Kapanalig?

Para naman sa mga pumupuna sa mga patakaran ng pamahalaang hindi kumikilala sa karapatang pantao katulad ng “war on drugs”, napakalaking kabalintunaan (o irony sa Ingles) ang pagkakapili sa Pilipinas na maging bahagi ng UNHRC. Ang international NGO na Human Rights Watch ay nanawagan noon sa ibang bansang kasapi ng UN na ipakita ang kanilang pagtutol sa patuloy na paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas sa pamamagitan ng hindi nila pagboto sa ating bansa. Paano nga ba naman magiging tagapagtaguyod ng karapatang pantao ang isang bansang pinamumunuan ng mga lider na kumikiling sa karahasan sa ngalan daw ng mas mapayapa at mas maunlad na lipunan?

May mga nagsasabing dayuhang konsepto sa ating mga Pilipino ang “karapatang pantao” o human rights. Para sa ilan, masyadong nakatuon ang mga ito sa indibidwal na kapakanan ng mga tao. Hindi rin daw akma ang mga ito sa ating mga pinahahalagahan o values bilang mga Pilipino. Malayo raw ang mga ito sa ating karanasan kung saan binibigyang-diin natin ang pagsunod sa mga nakatataas sa atin at ang pagpapahalaga natin sa ating pamilya higit sa lahat. May mga naniniwalang ang karapatang pantao ay para lamang sa mga taong sumusunod sa batas.

Mali ang ganitong mga pananaw sa karapatang pantao.

Dapat na itaguyod ang karapatang pantao hindi lamang para sa sarili natin kundi dahil may pagtanaw din tayo sa kapakanan ng ating kapwa. Kung hinahayaan nating patayin ang mga kriminal sa halip na idaan sila sa tamang proseso ng batas, naiisip ba natin ang magiging epekto nito sa mga taong nakasalalay sa kanila gaya ng kanilang pamilya? Kung nagbubulag-bulagan tayo sa mga maling ginagawa ng mga namumuno sa atin dahil naniniwala tayong mas mainam ang sundin sa halip na punahin sila, hindi ba tayo nagiging instrumento ng paniniil? Kung pinagtatakpan natin ang kasalanan ng isa nating kapamilya dahil mahalaga sa atin ang reputasyon ng ating pangalan at angkan, hindi ba’t nagiging hadlang tayo sa pag-iral ng tunay na katarungan? Hindi ang mga karapatang pantao ang hadlang sa mas makatao at makatarungang lipunan.

Nakalulungkot na mababaw pa rin ang pag-unawa natin sa karapatang pantao, at para bang nawalan na ito ng halaga dahil sa mga patakaran at mismong pangungusap ng mga namumuno sa atin. Kaya hindi natin masisisi kung may mga hindi lubusang ikinatuwa ang pagkakapili sa Pilipinas na maging bahagi ng UNHRC.

Mga Kapanalig, anuman ang ating pagtingin sa pagiging bahagi natin ng UNHRC, nawa’y maging daan ang paghirang na ito upang maging tunay na seryoso ang ating pamahalaan na tugunan ang mga paglabag sa karapatang pantao ng lahat. Sabi nga ni Bishop Pablo “Ambo” David ng Diyosesis ng Kalookan, “Respect for human rights begins at home”; ang paggalang sa karapatang pantao ay dapat nagsisimula sa sarili nating tahanan.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 42,620 total views

 42,620 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 117,234 total views

 117,234 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 197,313 total views

 197,313 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 240,452 total views

 240,452 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 238,989 total views

 238,989 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mula Batanes hanggang… saan?

 42,621 total views

 42,621 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 117,235 total views

 117,235 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 197,314 total views

 197,314 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 240,453 total views

 240,453 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »
Scroll to Top