VeritasPH

The Word, The Truth

Ang bagong anyo ng Boracay

SHARE THE TRUTH

 443 total views

Mga Kapanalig, nakatakdang muling buksan sa mga turista ngayong linggo ang Boracay matapos ang anim na buwang rehabilitasyon. Matatandaang isinara ito ilang buwan matapos tawagin ni Pangulong Duterte na “cesspool” o mala-poso negro ang isla dahil sa hindi maayos na daluyan ng duming napupunta sa dagat.

Sa isang banda, sang-ayon ang layunin ng rehabilitasyon ng Boracay sa prinsipyo ng integrity of creation o karangalan ng sangnilikha, isa sa mga batayang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng Simbahan. Talaga namang nangangailangang isalba ang itinuturing na pinakamagandang isla sa Pilipinas dahil na rin sa mahabang panahon ng pag-abuso ng mga negosyo at matinding komersyalismo sa lugar. Sa mga kapitbahay natin sa Timog Silangang Asya, ginagawa rin ang pansamantalang pagpapasara ng mga sikat na tourist spots upang kahit papaano ay mabigyan ng pagkakataon ang kalikasang huminga, ‘ika nga.

Ayon sa kalihim ng Department of Tourism, hindi pa tapos ang rehabilitasyon ng Boracay. “Sustainable tourism” daw ang ipatutupad sa Boracay upang maipagpatuloy ang rehabilitasyon ng isla. Ibig sabihin, kokontrolin ang pagpasok ng mga turista, at titiyaking sapat ang mga pasilidad upang pangasiwaan ang basura at duming iiwan ng mga bibisita roon. Magiging mahigpit din daw ang pamahalaan sa mga hotels; tanging ang mga hotels na may sariling sewage treatment facility ang pahihintulutang mag-operate doon. Mahigpit na ring ipagbabawal ang pagtatayo ng anumang istruktura sa loob ng 30-kilometer easement zone, gayundin ang pagtatanghal gamit ang mga bagay na nagdudulot ng polusyon gaya ng fire dancing. Lilimitahan na rin ang mga water activities at iba pang malalaking aktibidad sa dalampasigan. Gayunman, sa unang araw ng pagbubukas sa dalampasigan ng Boracay sa mga taga-Aklan noong nakaraang linggo, nakalusot pa rin ang mga pasaway na nagtapon ng basura kung saan-saan.

Sa kabilang banda, ang layuning pangalagaan ang kalikasan ay hindi dapat hiwalay sa pagtiyak na napakikinggan ang boses ng mga mismong apektado nito, lalo na ang mga nawalan ng hanapbuhay. Magkatimbang ang prinsipyo ng integrity of creation at ang mga prinsipyo ng subsidiarity at people empowerment na mahalaga rin sa mga panlipunang turo ng Simbahan.

Ngunit alam naman nating sa anim na buwang itinagal ng rehabilitasyon ng Boracay, sadyang isinantabi ng pambansang pamahalaan ang mga nasa lokal na pamahalaan. Bagamat dapat silang papanagutin dahil sa kanilang kapabayaan, hindi dapat nawalan ng papel ang lokal na pamahalaan at ang mga kinatawan ng mga residente ng Boracay. Ngunit pagmamalaki ni Pangulong Duterte, naging matagumpay ang isinagawang rehabilitasyon dahil pinangasiwaan ito ng mga retiradong heneral na pinuno ngayon ng DENR at DILG. Hindi raw magiging posible ang paglilinis sa Boracay kung iaatang ang trabahong ito sa lokal na pamahalaan. Mukhang wala talagang tiwala ang pangulo sa kakayahan ng mga nasa lokal na pamahalaan na ayusin ang problema sa kanilang nasasakupan.

Samantala, mistula namang “sacrificial lambs” ang aabot sa 4,000 manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng Boracay. Mayroong binigyan ng cash-for-work na umabot lamang ng isang buwan. May mga pinili na lang na umalis at lumipat sa ibang lugar, o kaya naman ay dumiskarte sa ibang trabaho para lamang may maipantustos sa kanilang mga pangangailangan. Ngayong magbubukas na muli ang Boracay, hindi pa rin malinaw kung makababalik pa sila sa kanilang trabaho. Pinakinggan ba ang kanilang boses sa pagbubuo ng plano para sa rehabilitasyon ng Boracay? Makatarungan bang isakripisyo ang kabuhayan ng mga maliliit na manggagawa upang maisagawa ang hindi pa rin natatapos na paglilinis ng Boracay?

Mga Kapanalig, nawa’y hindi lamang ang malalaking negosyante ang makinabang sa pagbabagong-anyo ng Boracay. Habang tinitiyak na nasa maayos na kalagayan ang kapaligiran ng Boracay, huwag sanang kalimutang may mga maliliit na taong nasa likod ng turismong bumubuhay sa Boracay at sa ekonomiya ng ating bansa.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 3,728 total views

 3,728 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 11,713 total views

 11,713 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 19,249 total views

 19,249 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 35,235 total views

 35,235 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 43,279 total views

 43,279 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 3,729 total views

 3,729 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 11,714 total views

 11,714 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 19,250 total views

 19,250 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 35,236 total views

 35,236 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 43,280 total views

 43,280 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,390 total views

 45,390 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,815 total views

 43,815 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,601 total views

 45,601 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,526 total views

 42,526 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,840 total views

 56,840 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,530 total views

 60,530 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,133 total views

 59,133 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,120 total views

 69,120 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,088 total views

 73,088 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,975 total views

 83,975 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top