Gawing inspirasyon sa paglilingkod si Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,158 total reads

Ito ang hamon ni Father Rudsend Paragas, SSS – Rector and Parish Priest ng Archdiocesan Shrine of the Blessed Sacrament, Sta. Cruz Parish and Our Lady of the Pillar Church sa mga mananampalataya matapos ipagdiwang ng parokya ang Kapistahan ng Nuestra Señora del Pillar noong linggo, ika-21 ng Oktubre.

Ayon kay Father Paragas, hindi lamang mga Pari, Relihiyoso at Relihiyosa ang maaaring maglingkod, dahil tungkulin ito ng bawat binyagang Katoliko.

Inihayag ng Pari na si Maria ang huwaran ng paglilingkod na puno ng kababaang loob, at walang panghuhusga sa kapwa.

Sinabi ni Father Paragas na pinapaalalahanan din ng Mahal na Birhen ang bawat mananampalataya sa kanilang tungkulin na maglingkod sa Simbahan at sa kapwa.

“Yung paglilingkod ay hindi lang naman doon sa Pari saka dun sa mga Religious kung hindi sa bawat isa sa atin na bininyagan. Meron tayong inspirasyon at ang inspirasyon natin ay kung paano maglingkod si Maria, hindi lang yung humility kung hindi yung paglilingkod na walang judgement, alam mong tututukan, at punong-puno ng pagbabantay,” pahayag ni Father Paragas sa Radyo Veritas.

Dahil dito, upang lalo pang maimulat ang mga mananampalataya sa paglilingkod, sinabi ni Father Paragas na dinadala nila ang birhen ng del Pillar sa iba’t-ibang barangay na nasasakupan ng kanilang parokya.

Ipinaliwanag ng Pari na sa pagdalaw ng mahal na birhen sa bawat Barangay ay dinadala nito si Hesus at naitataguyod ang pagkakaroon ng paggalang sa kapwa, katarungan, pagmamahal, pagtatawad at pagkakaisa.

“Meron kaming tinatawag na dalaw ng Del Pillar sa bawat lugar. At sa tuwing dumadalaw kami sa bawat area, nire-remind namin sila na yung pagdalaw na yun ay hindi si Maria kun’di yung binibigay sa kanila na biyaya ay si Kristo, at ‘pag pinagusapan natin si Kristo, yan yung hustisya, yan yung respeto sa bawat isa, yung pagmamahal, pagpapatawad, pagkakaisa.” dagdag pa ni Father Paragas.

Ikinagagalak ng pari na positibo ang pagtugon dito ng mga mananampalataya.

Tinukoy ng Pari na sa tulong ng dalaw ng Del Pillar ay marami na ang mas nagiging aktibo sa Simbahan, nagpapakita ng kasabikan sa salita ng Diyos, at kasiglahan ng puso ng bawat mananampalataya na makapaglingkod.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 64,899 total reads

 64,899 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 113,385 total reads

 113,385 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 161,257 total reads

 161,257 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 265,202 total reads

 265,202 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 348,204 total reads

 348,204 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,152 total reads

 42,152 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,032 total reads

 35,032 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top