VeritasPH

The Word, The Truth

“Respect for human rights begins at home”

SHARE THE TRUTH

 258 total views

Mga Kapanalig, nanatili ang Pilipinas sa United Nations Human Rights Council o UNHRC. Isa tayo sa 47 bansang miyembro ng konsehong ang pangunahing tungkulin ay itaguyod at ipagtanggol ang lahat ng karapatang pantao sa buong mundo.

Hatî ang marami kung paano tatanggapin ang balitang ito.

Para sa pamahalaan, ang pagkakapili sa Pilipinas na maging bahagi ng UNHRC ay pagkilala raw ng international community sa pangangalaga natin sa karapatang pantao. Sabi pa ng bagong tagapagsalita ng pangulo, patunay daw itong tama ang paraan ng paglaban ng pamahalaan sa ilegal na droga na aniya’y isang “dragon of destruction.” Pagmamalaki pa niya, pinatotohanan ng pananatili natin sa UNHRC ang pagiging epektibo ng kampanya ng administrasyong Duterte laban sa droga, katiwalian, at kriminalidad upang protektahan ang karapatan sa buhay, kalayaan, at pagmamay-ari ng mga mamamayang sumusunod sa batas at nagmamahal sa kapayapaan. Anong tingin mo rito, Kapanalig?

Para naman sa mga pumupuna sa mga patakaran ng pamahalaang hindi kumikilala sa karapatang pantao katulad ng “war on drugs”, napakalaking kabalintunaan (o irony sa Ingles) ang pagkakapili sa Pilipinas na maging bahagi ng UNHRC. Ang international NGO na Human Rights Watch ay nanawagan noon sa ibang bansang kasapi ng UN na ipakita ang kanilang pagtutol sa patuloy na paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas sa pamamagitan ng hindi nila pagboto sa ating bansa. Paano nga ba naman magiging tagapagtaguyod ng karapatang pantao ang isang bansang pinamumunuan ng mga lider na kumikiling sa karahasan sa ngalan daw ng mas mapayapa at mas maunlad na lipunan?

May mga nagsasabing dayuhang konsepto sa ating mga Pilipino ang “karapatang pantao” o human rights. Para sa ilan, masyadong nakatuon ang mga ito sa indibidwal na kapakanan ng mga tao. Hindi rin daw akma ang mga ito sa ating mga pinahahalagahan o values bilang mga Pilipino. Malayo raw ang mga ito sa ating karanasan kung saan binibigyang-diin natin ang pagsunod sa mga nakatataas sa atin at ang pagpapahalaga natin sa ating pamilya higit sa lahat. May mga naniniwalang ang karapatang pantao ay para lamang sa mga taong sumusunod sa batas.

Mali ang ganitong mga pananaw sa karapatang pantao.

Dapat na itaguyod ang karapatang pantao hindi lamang para sa sarili natin kundi dahil may pagtanaw din tayo sa kapakanan ng ating kapwa. Kung hinahayaan nating patayin ang mga kriminal sa halip na idaan sila sa tamang proseso ng batas, naiisip ba natin ang magiging epekto nito sa mga taong nakasalalay sa kanila gaya ng kanilang pamilya? Kung nagbubulag-bulagan tayo sa mga maling ginagawa ng mga namumuno sa atin dahil naniniwala tayong mas mainam ang sundin sa halip na punahin sila, hindi ba tayo nagiging instrumento ng paniniil? Kung pinagtatakpan natin ang kasalanan ng isa nating kapamilya dahil mahalaga sa atin ang reputasyon ng ating pangalan at angkan, hindi ba’t nagiging hadlang tayo sa pag-iral ng tunay na katarungan? Hindi ang mga karapatang pantao ang hadlang sa mas makatao at makatarungang lipunan.

Nakalulungkot na mababaw pa rin ang pag-unawa natin sa karapatang pantao, at para bang nawalan na ito ng halaga dahil sa mga patakaran at mismong pangungusap ng mga namumuno sa atin. Kaya hindi natin masisisi kung may mga hindi lubusang ikinatuwa ang pagkakapili sa Pilipinas na maging bahagi ng UNHRC.

Mga Kapanalig, anuman ang ating pagtingin sa pagiging bahagi natin ng UNHRC, nawa’y maging daan ang paghirang na ito upang maging tunay na seryoso ang ating pamahalaan na tugunan ang mga paglabag sa karapatang pantao ng lahat. Sabi nga ni Bishop Pablo “Ambo” David ng Diyosesis ng Kalookan, “Respect for human rights begins at home”; ang paggalang sa karapatang pantao ay dapat nagsisimula sa sarili nating tahanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 2,535 total views

 2,535 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 18,521 total views

 18,521 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 26,566 total views

 26,566 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 31,646 total views

 31,646 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 37,352 total views

 37,352 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 2,536 total views

 2,536 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 18,522 total views

 18,522 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 26,567 total views

 26,567 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 31,647 total views

 31,647 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 37,353 total views

 37,353 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,254 total views

 44,254 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,179 total views

 41,179 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,493 total views

 55,493 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,183 total views

 59,183 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,786 total views

 57,786 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,773 total views

 67,773 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,741 total views

 71,741 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,628 total views

 82,628 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,067 total views

 95,067 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,825 total views

 105,825 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top