All Saints at All Souls day, isang celebration of life

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 496 total reads

Ipinapaalala ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na ang pagdiriwang ng ‘All Saints Day at All Souls day’ ay hindi sa paraan ng katatakutan.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Laity, ito ay pagdiriwang at pag-alala sa buhay ng mga nauna nang namayapa.

“Ano ba ang dala-dala natin? Bulaklak, bulaklak is a sign of life, nagdadala rin tayo ng kandila, yan din ay sign of life may liwanag. Tapos nagdadala rin tayo ng pagkain again sign of life. It is really a celebration of life. Life na gusto natin na ang mga yumao natin ay pumunta na sa langit kaya ipinagdarasal natin sila,” ayon kay Bishop Pabillo sa panayam ng Barangay Simbayanan.

Bukod sa pag-alaala ng naging buhay sa lupa ng namayapa, pinaalalahanan ang bawat isa sa patuloy na pananalangin sa mga patay, dahil bilang mga Kristiyano tayo ay naniniwala sa kanilang pag-akyat sa langit kasama ang mga banal at ang Panginoon.

“Sana po ay pumunta tayo sa sementeryo para alalahanin at ipagdasal ang mga yumao,” ayon kay Bishop Pabillo.

Panawagan din ng Obispo na talikdan ang ‘sekular’ na paraan ng pagdiriwang ng araw ng mga patay tulad ng pagsusuot ng mga nakakatakot na imahe.

“Kaya ang Halloween ay hindi ‘yan Christian celebration which is a ‘Celebration of Death’. Yung mga nakakatakot na mukha, mga demonyo hindi yan maka-kristiyanong celebration at ‘yan yung ginagamit ng ‘Secularism’,” dagdag pa ng Obispo.

Una na ring hinikayat ng Simbahan ang mga mananampalataya na sa halip na magsuot ng nakakatakot ay magsagawa na lamang ng ‘Parade of Saints’ o pagbibihis sa mga kabataan ng mga kasuotan ng mga Santo.

Ilan sa mga nagsasagawa ng taunang ‘Parade of of Saints’ para sa pagdiriwang ng Undas ay ang St. Peter and Paul Parish Makati; Ascension of Our Lord sa Paranaque; San Antonio De Padua, Marikina; Sta. Cruz Parish sa Caloocan; Nuestra Señora Dela Paz Y Buenviaje, Bacoor Cavite; Sta. Cecilia sa Maly, Pangasinan San Roque Catholic School, Mother of Mercy Loma De Gato at St. Michael the Archangel Parish sa Marilao Bulacan.

Sa pagtaya ng Simbahan, may higit na sa 10,000 ang bilang ng mga naitalagang Santo, kung saan taong 993 itinalaga bilang kauna-unahang santo ni Pope John XV si St. Ulrich ng Augsburg.

Binigyan diin ng Santo Papa Francisco ang kahalagahan nang patuloy na Pananalangin sa mga namayapa bilang pakikiisa o ‘Communion’ sa iisang pananampalataya at pamilya na kapwa nangangailangan ng panalangin para sa kaligtasan.

Sa Metro Manila, may labing isang pangunahing sementeryo kung saan ang pinakamalaki ay ang Manila North Cemetery na may 54 na ektarya ang lawak at ilan sa mga kilalang nakalibing dito ay ang mga dating Pangulo ng bansa tulad nina Sergio Osmena, Ramon Magsaysay at Manuel Roxas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 48,217 total reads

 48,217 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 70,418 total reads

 70,418 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 106,914 total reads

 106,914 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 327,541 total reads

 327,541 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 359,413 total reads

 359,413 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top