Vice President Robredo: One-on-one sa Veritasan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 509 total reads

Pinasinungalingan ni Vice President Ma. Leonora ‘Leni’ Gerona Robredo ang paratang na wala siyang ginagawa sa Pamahalaan.

Ayon kay Robredo, bilang Pangalawang Pangulo tanging mandato niya ay maging ‘Spare Tire at Ceremonial functions’ kung walang Cabinet post na italaga para kaniyang pamunuan.

Paglilinaw ng Pangalawang Pangulo, bago pa man umupo siya italaga sa binawing posisyon bilang Housing Secretary ay nabuo na nila ang proyekto pagbubuhusan niya ng panahon para makatulong sa Pamahalaan at sa mamamayan.

Ito at ilang pang mga isyu ang sinagot ni Vice President Robredo sa kaniyang pagharap sa programang Veritasan ni Fr. Jerome Secillano – Executive Secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs (CBCP)

Angat Buhay advocacy

Pagpasok ko kasi as VP tiningnan ko pagtiningnan mo ang mandate ang budget ng office masyadong ceremonial kung hindi ka magiging creative at hindi ka bibigyan ng Cabinet Post talagang wala kang magagawang iba. Kundi mag-aattend lang ng ceremonial functions. So sinabi ko sa opisina na hindi naman pwedeng anim na taon ganun ang gagawin namin. So nag-conceptualize kami ng anti-poverty program yun nga ‘yung Angat Buhay. Ni-launch noong Oct.2016, we started with 50 of the poorest municipality all over the country sa ngayon nasa 176 na kami”.

Ayon kay Robredo ang proyekto ay walang pondo na nagmumula sa Gobyerno sa halip ay naisusulong ang proyekto sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga pribadong kompanya at mga organisasyon na nais na tumulong.

Vice President bilang spare tire

Sa batas natin spare tire. Kasi wala syang mandato other than maging handa kung may mangyari sa Presidente during his term. Pag tiningnan mo ang budget, isa siya sa pinakamaliit sa burukrasya. Pag tiningnan mo kung para saan? Para lang sa sya sweldo ng employees, operations ng office, para siya sa ceremonial functions. Kaya kami ang nag-reinvent ng opisina na ginawa namin siyang more advocacy heavy than ceremonial na opisina kasi sayang. Maraming tao sa opisina na mahuhusay. Maraming resources other than pera na maaring magamit.”

Fake news at kritisismo

Maswerte ka dun sa mga nakakakilala sa‘yo kasi hindi naman maniniwala. Pero yung hindi nakakakilala sa ‘yo na wala namang ibang source ng information talagang may tendency na maniwala. Yan ang hard reality na na-find out ko. Kasi nung mga una, nung tumaas na lang ako sa kampanya, nagsimula na ang fake news. Nung mababa sa surveys wala e.

Sabi ko parating ang katotohanan will come out in the end so ‘wag pansinin. Parang wag iglorify kasi lalu lang lalaki. To a large extent mali ako. Mali ako kasi nung hinayaan namin marami ang naniwala kasi walang alternative na nababasa at napapakinggan. And na-realize namin ‘yun too late. Ang na-realize namin only in the past few months. So ngayon kung may lumalabas sumasagot kami. Pero for 2 years hindi namin ‘yun ginawa. Sa pag-aakala na mas mabuting hindi pinapansin.

Dapat pala hindi pinapabayaan.

Pagiging mahina?

To a large extent oo. Tahimik talaga akong tao, kahit sa bahay. Sa akin, yung pagiging matapang kasi hindi naman iyon sa lakas ng boses. Ang pagiging matapang hindi iyon sa katawan. Pero sa akin ang pagiging matapang ang pinakamabuting sukatan san ka ba tumayo sa mga issues na dumaan? Kahit mahirap pinapanindigan mo. Kahit malakas ang boses mo kung sama-sama ka lang sa agos hindi yun lakas.
Iba ang sukat ko ng tapang at iyong tapang iba ang magsasabi nun, hindi ikaw.

Na-realize namin dapat binibigyan ang access ng tao sa katotohanan.

Iiwan ang Liberal Party?

At hindi ako aalis ng Liberal Party. Kaya ako nasa Liberal Party hindi dahil sa personalities na nandoon. Pero kaya ako nasa LP dahil naniniwala ako sa values na tinatayuan ng Liberal party. Ano yung values na ‘yan ‘yung liberal democracy yung kapangyarihan na nasa kamay ng ordinaryong mamamayan. Karapatan na magdesisyon sa sarili, makilahok sa lahat ng aspeto ng Governance. Klaro sa akin kung bakit ako nandyan.

Tingin ko yun ang mahirap sa pulitika natin. Na yung pulitika natin masyadong pulitika ng  personalities. Kung sino ang Pangulo –kung saan siyang partido yun ang partidong malakas. Pero hindi ‘yun purpose ng political party e. Yung purpose dapat ng political parties bawat partido may tinatayuan na paniniwala. Nandiyan kayo dahil sa paniniwalang ‘yan hindi dahil partido yan ng Pangulo. Kung makikita natin mula nung umpisa kung sino ang pangulo lahat pumupunta sa partido nya.

Ang tingin ko kailangan sana i-certify as urgent iyong bill na strengthening ng political parties. Yung Electoral Reform bawal ang palipat-lipat ng partido.

Federalism at pagbabago sa Saligang Batas

Sa akin lang, sana maging maayos ang proseso. Ako kontra ako sa Federalism, kontra ako na baguhin ang Saligang Batas dahil hindi maayos ang manner ng paggawa. Para sa akin kung babaguhin ang Saligang Batas kailangan bigyan ng boses ang maraming tao. Pag sinabi nating bigyan ng boses ang tao, mag exert ng effort na naiitindihan ng mga tao kung anong papasukan nila.

Kung may pagbabago responsive yun sa kahirapan na pinagdadaanan natin.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 49,018 total reads

 49,018 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 167,940 total reads

 167,940 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 253,309 total reads

 253,309 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 300,049 total reads

 300,049 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 347,916 total reads

 347,916 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 443,670 total reads

 443,670 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 49,019 total reads

 49,019 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »
Scroll to Top