Kahirapan, ugat ng online sexual exploitation of children

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 587 total reads

Kahirapan ang nakikitang dahilan ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) kung bakit dumadami ang mga kaso ng Online Sexual Exploitation of Children (OSEC) sa Pilipinas.

Ayon sa grupo, lumabas sa kanilang pagsisiyasat na mataas ang kaso ng OSEC sa mga mahihirap na lugar sa Maynila at sa mga probinsya.

Ilan sa pangunahing dahilan nito ay kawalan ng hanapbuhay, at mga oportunidad na makapagtrabaho na nagiging dahilan kung bakit nasasangkot ang mga kaanak o mismong mga magulang ng mga bata sa pagbebenta sa kanilang mga anak sa online sex.

Naniniwala si Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na mahalagang mapaigting ang proteksyon sa mga bata na siyang pinaka bulnelabre sa mga kasapi ng lipunan.

Ipinaalala ng Obispo na ang mga batang ito ang magiging miyembro ng lipunan at mamumuno sa bansa sa hinaharap.

Ayon kay Bishop Santos, mahalagang mapabuti ang pagpapalaki sa mga bata at hindi maabuso ang kanilang pisikal, mental, emosyonal at sekswal na bahagi ng pagkatao.

“Tandaan natin na ang mga biktima ay mga bata at ang mga bata ay lalaki at sa kanilang paglaki, sila ay ating magiging Citizens and Leaders of the Country… kapag sila ay na Exploit, Physically and Verbally and Sexually, nasira na ang kanilang pangarap, ang kanilang buhay, ang kanilang hinaharap at ang mag sa-suffer nito ay ang kanilang pamilya, ang sambayanan at ang ating bayan. Kaya ingatan natin sila, at pangalagaan at higit sa lahat we have to prosecute, parusahan ang mga perpetrators.” pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Hinikayat din ng Obispo ang bawat Filipino na maging mapagmatyag at bantayan ang mga bata sa kanilang komunidad upang maiwasang mabiktima ito ng online sexual exploitation.

Sinabi ni Bishop Santos na kinakailangang maging kaisa ang lahat upang mapalaganap ang kamalayan kaugnay sa suliraning ito na unti-unting lumalaganap sa bansa.

Payo ng Obispo na tandaan ang limang na “P” – Prevention, Protection, Prosecution, Partnership at Prayer, upang mapigilan ang OSEC na isang uri ng human trafficking at maproteksyunan ang digdidad ng mga bata.

Batay sa pagsusuri ng PIMAHT, umabot na sa 389 ang mga nasagip na biktima ng OSEC habang 165 ang mga suspek subalit, 42 sa mga ito ang naikulong.

Tinataya namang nasa 12 ang edad ng mga batang karaniwang nabibiktima ng online sex at sa buong pag-aaral ng grupo ay isang 2 months old na babaeng sanggol ang pinakabata nilang na-rescue, at sinundan pa ito ng isa pang 5months old na sanggol.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 62,193 total reads

 62,193 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 110,937 total reads

 110,937 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 158,809 total reads

 158,809 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 262,755 total reads

 262,755 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 345,843 total reads

 345,843 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,097 total reads

 42,097 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 34,977 total reads

 34,977 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top