Hindi mabuti ang isang parokya na hindi mulat sa mga naisasantabi sa lipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 609 total reads

Ito ang pahayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pagdiriwang ng kanilang Basic Ecclesial Community Big Day, kasabay ang pagtatapos ng Year of the Clergy and Consecrated Persons at pagbubukas ng Year of the Youth sa Diocese of Kalookan noong ika-17 ng Nobyembre sa Notre Dame of Greater Manila.

Sa pagninilay ng Obispo sa banal na misa, sinabi nitong ang Parokya na isang lumang institusyon ay hindi na epektibo kung naghihintay na lamang ito ng mga mananampalatayang papasok sa simbahan.

Binigyang diin ni Bishop David na ang simbahan ay hindi ang gusali kung saan nagsisimba, dahil ang simbahan ay ang mismong sambayanan na mga alagad ni Kristo.

Dahil dito, sinabi ni Bishop David na mahalaga ang pagbuo ng mga Basic Ecclesial Communities o BEC dahil ang mga munting simbahang ito ang magpapakita na inaalagaan ang mga isinantabi ng lipunan.

“Kung tayo’y isang tunay na Church of the Poor sa ating Diyosesis, aagapay tayo, aalalayan natin ang mga nobodies, ang mga non-entities ang mga walang kwenta sa mata ng lipunan.” pahayag ni Bishop David.

Dahil dito, hinamon ni Bishop David ang mga parokya na kanyang nasasakupan na pagsikapang lalong maging mabuti sa pamamagitan ng pag-abot at pag-agapay sa mga dukha.

Inihayag ng Obispo na sa tulong ng BEC at pagpaparami ng kanilang mga Misson Stations ay mabubuo ang mga “simbahang walang simbahan, simbahan ng sambayanan na maaaring magkatipon kahit walang kapilya, kahit walang gusali, kahit walang isang simbahan.”

Samantala, binigyang diin rin ni Bishop David ang kagalagahan ng mga kabataan sa buhay ng isang parokya.

Hinimok ni Bishop David ang bawat parokya na gawing bahagi ng misyon ng simbahan ang mga kabataan.

“Hindi ako nabibilib sa mga parokyang walang Parish Youth Ministry, dapat hayaan ng simbahan na maging bahagi ang mga kabataan sa misyon ng bawat parokya, at ng mga Basic Ecclesial Communities.” pahayag ng Obispo

Ang Diocese of Kalookan ay mayroong 27 mga parokya at tinatayang 1.3 milyong populasyon ng mga mananampalataya.

Ngayong darating na pagdiriwang ng kapistahan ng Kristong Hari, pormal nang magtatapos ang liturgical year ng simbahan – Year of the Clergy and Consecrated Persons, at magbubukas naman ang bagong taon ng liturhiya – Year of the Youth.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 67,653 total reads

 67,653 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 115,940 total reads

 115,940 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 163,812 total reads

 163,812 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 267,757 total reads

 267,757 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 350,660 total reads

 350,660 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 42,206 total reads

 42,206 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 35,085 total reads

 35,085 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top